^

PSN Showbiz

Scarlet nagtuturong magdasal

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Scarlet nagtuturong magdasal
Scarlet

May libro na si Scarlet Snow Belo, ang napaka-cute na anak nina Hayden Kho at Vicki Belo, ang My First Prayer Book, isang bagong collection ng mga dasal at kwento mula sa ABS-CBN Publishing para sa mga batang nagsisimula sa kanilang spiritual journey.

“Isang read-along guide ang My First Prayer Book ni Scarlet Snow na makakatulong sa mga magulang sa kanilang pagtuturo ng pagdadasal sa kanilang mga anak. Ang maagang pag-eengganyo sa mga bata na kausapin ang Diyos ay makakatulong sa kanila upang magkaroon ng maayos na relasyon sa Kanya,” pagbabahagi nina Hayden at Vicki sa  foreword ng libro.

Mayroon itong 10 easy-to-follow prayers at mga life lessons na itinuro ng mga magulang ni Scarlet sa kanya.

“Sabi ni Daddy pag nag-thank you ako kay God para sa gifts nya, pinapasaya nito ang puso Niya,” ayon kay Scarlet tungkol sa Prayer to Give Thanks ng libro.

May mga dasal ring nakapaloob dito para sa benepisyo ng ibang tao— ang Prayer for Somebody Mean to You at Prayer for Mom/Dad When They’re Not Feeling Well.

Maganda ring ituro sa mga bata ang Prayer When You Did Something Naughty at Prayer When You Really, Really Want Something upang matutunan nilang humingi ng tawad at lumapit sa Diyos para sa kanilang mga kahilingan.

Tampok din sa My First Prayer Book  ang mga dasal pagkagising ng bata, bago kumain, bago pumasok sa school, bago maglakbay, at bago matulog.

Bukod sa prayers, makikita rin sa libro ang mga cute na larawan ni Scarlet, pati na rin ang ilang kwento tungkol sa kanyang araw-araw na karanasan.

Mabibili na ang My First Prayer Book  sa leading bookstores nationwide sa halagang P285. 

vuukle comment

SCARLET SNOW BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with