^

PSN Showbiz

Tonyboy at Dominique Cojuangco hagip na sa dirty talks ni Gretchen

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tonyboy at Dominique Cojuangco  hagip na sa dirty talks ni Gretchen
Dominique at Gretchen

Isang bagay na pinag-uusapan at itinatanong sa akin hanggang sa USA ay ang ‘feud ‘ between Kris Aquino at Gretchen Barretto.

Curious sila dahil nagiging dirty ang palitan ng mga kuro-kuro at ano na talaga ang damdamin ni Gretchen dahil bigla itong sumali sa Kris-Nicko Falcis at ngayon, nadamay na rin ang napakabait na businesswoman na si Alice Eduardo.

Nagsanga-sanga na ang issue at ang palitan ng salita, getting dirty as days go by.

For me, at this point, hindi deserve nina Kris at Alice ang ganitong dirty talks at ayoko na humantong ito sa mas pangit na sitwasyon at palitan ng mga akusasyon na hindi maganda.

Sana kung ako si Tonyboy at Dominique Cojuangco, sila na ang magpayo kay Gretchen. Pareho silang nasisira at nadadawit sa isyu ang ibang mga tao.

Stop, look and listen, napakadali na magbitaw ng salita, pero mahirap bumawi. Alam mo ‘yan Salve kaya dapat huwag impulsive dahil mas magiging malaki ang gulo.

Buhay ni Bato nakahabol bago mag-election ban

Ready for showing na ang isinalin sa pelikula ni former PNP Chief Ronaldo “Bato” Dela Rosa na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

Ang ALV Productions ni Arnold Vegafria ang producer ng Bato movie pero ang Regal Entertainment Inc. ang distributor sa mga sinehan ng pelikula na may playdate sa January 30, 2019.

Marami ang nagulat nang malaman nila na may pelikula tungkol sa buhay ni Papa Bato na kakandidato na senador sa eleksyon sa May 2019.

Hindi na puwedeng ipagpaliban ang showing ng Bato dahil malapit nang magsimula ang kampanya ng mga senatorial candidate kaya hindi na sila puwedeng mapanood sa TV at sa mga sinehan. Hanggang mga news program na lang ang exposures nila.

Ngayon ang presscon ng Bato at sure ako na dadalo si Papa Bato para personal siyang mainterbyu ng entertainment writers.

Nakawan sa bahay  ni Pacman  pinaghihinalaang inside job

Ipinakita sa 24 Oras noong Martes ang video ng mga personal na gamit ng mga Pacquiao na hinalughog ng mga nagnakaw sa bahay nila sa California.

Grabe ang ginawa ng apat na suspects na nakasuot umano ng bonnet kaya mahirap makilala dahil talagang nagulo ang kuwarto nina Papa Manny at Mama Jinkee. Missing din ang safe box na sure na naglalaman ng valuables ng mga Pacquiao.

Pagkatapos na mapanood ang video, na-realize ko na imposible na walang tinangay na mahahalagang bagay ang mga magnanakaw dahil ni-ransacked nila nang todo ang US house ng Pambansang Kamao.

May mga haka-haka na baka inside job ang nangyari dahil itinaon ang krimen habang nasa Las Vegas ang Team Pacquiao para sa well-publicized fight ni Papa Manny kay Adrien Broner.

Malalaman natin ang katotohanan kapag nakumpleto na ng Los Angeles Police Department ang imbestigasyon dahil hawak na nila ang CCTV na malaki ang maitutulong para malutas ang kaso.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with