^

PSN Showbiz

Gabby nahihilig sa bata!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Gabby nahihilig sa bata!
Gabby

Sa kabila na 54 years old na ang dating matinee idol at ex-husband ni Megastar Sharon Cuneta at ama ni KC Concepcion  na si Gabby Concepcion, this does not stop him na makapareha at makatrabaho ang di hamak na mas batang leading ladies tulad nina Jennylyn Marcado, 31, Sunshine Dizon, 35, Ryza Cenon, 31 at ang Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria, 35.

Sina Sunshine at Ryza ay nakatrabaho ni Gabby sa hit afternoon TV series na Ika-6 na Utos ng GMA.

Sina Jodi at Denise Laurel, 31, ay siya namang co-stars niya sa hindi pa naipapalabas na pelikula ng Cineko Productions na Man & Wife (Gulong ng Palad) na pinamahalaan ng premyadong actress-director na si Laurice Guillen.

Sa bagong TV series ay ang rom-com na Love You Two na pinagtatambalan nila for the first time ni Jennylyn. Ito rin ang magsisilbing unang proyekto bilang Kapuso ng actress-comedienne na si Kiray Celis.

“I feel young kapag mga bata ang nakakatrabaho ko,” natatawang pahayag ni Gabby.

Si Gabby ay may limang anak na pawang mga babae na sina KC, Gabrielle, Chloe, Savannah at Samantha sa apat na magkakaibang babae – Sharon Cuneta, Grace Ibuna, Jenny Syquia at ang kanyang present wife na si Genevieve Yatco Gonzalez.

Ria boto kay Maine

Hindi napigilan ng Kapamilya actress at nakababatang kapatid ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde na si Ria Atayde ang maging emotional nang ito’y maging guest recently sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda, ang Tonight with Boy Abunda.

Hindi maikakaila na nasasaktan si Ria for her brother na ina-accuse ng bashers na ginagamit umano ni Arjo si Maine Mendoza para magkapangalan.

“I’ve met her. I like her. She’s very real,” pahayag ni Ria patungkol kay Maine.

Pagdating naman sa ina nina Arjo at Ria, ang veteran actress na si Sylvia Sanchez, hindi ito nakikialam sa buhay-pag-ibig ng kanyang mga anak. Kung saan umano masaya ang kanyang mga anak ay doon siya.

Samantala, hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtataka kung bakit hindi nauwi sa totohanan ang special friendship noon nina Alden Richards at Maine. Since morena si Maine, mahilig umano ito sa tisoy.

Ogie at Regine salpukan sa Valentine's!

Bilang professional singers, performers at concerts artists, hindi talaga maiwasan ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid na magkaroon sila ng magkahiwalay na shows or concerts pagdating sa mahalagang okasyon tulad ng Christmas, New Year’s Countdown at Valentine’s Day.

Sa darating na araw ng mga puso on February 14, muling magkakaroon ng magkahiwalay na concert ang singer-composer-actor-comedian at TV host na si Ogie at ng kanyang Asia’s Songbird wife na si Regine.

Si Ogie ay mapapanood sa kanyang Ogie Alcasid: Master of Love with Maestro Ryan Cayabyab sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila on February 14 at 8 p.m.

Magiging special guests ni Ogie sa kanyang Valentine concert sina Mariel de Leon, Lara Maigue, Tanya Manalang at The Ryan Cayabyab Singers.

 Habang si Regine naman ay makaka-back-to-back ang Unkabogable Box Office Star, ang singer-comedian-TV host na si Vice Ganda sa loob ng tatlong gabi sa Araneta Coliseum on February 14, 15 & 16 na pinamagatang The Songbird and the Song Horse.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with