^

PSN Showbiz

Champ Manny hindi nagkaroon ng autograph session

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Champ Manny hindi nagkaroon ng autograph session
Manny

Kapag tumagal ka ng mga five days sa isang lugar Salve, kahit papaano may attachment ka nang napi-feel.

‘Yun bang parang at home ka na rin. For five days, magkakasama tayo nina Lynette sa isang kuwarto, sabay kumakain at namamasyal, sabay matulog at magising, para bang nakasanayan mo na rin ‘yon. Para na tayong wicked sisters.

Dapat talaga i-harass natin si Bernard Cloma na hindi tinupad ang promise na pa-autograph ang gloves kay Champ Manny Pacquiao.

Pareho ni Gorgy Rula si Salve na overwhelmed sa sales at discount, kaya buy nang buy.

Hay naku, na-outgrow ko na ang mga outlet store at sightseeing kaya naman ang four corners ng room sa MGM ang memorized ko at friend ko na ang lahat ng mga taga-linis ng room. Close na kami.

Pero ang kaloka, kapag pauwi ka na ng Pilipinas, para bang inip na inip ka nang sumakay ng eroplano at gusto mo na lumipad na agad.

Lalo pa’t maaga ang check out time sa hotel at mahaba ang waiting time para sa departure.

So boring pero masarap mag-people watching sa totoo lang. Ang dami mong nakikita sa paligid, iba’t ibang klase ng tao ang  nakikita mo.

Masarap ang mag-people watching lalo sa crowd dahil talagang iba-iba ang expressions at physical reactions ang mapupuna mo. Hay naku, kapag bored ka talaga basta may magawa lang, okey na.

Chaye nagka-award sa Gabay Guro

Congrats kay Chaye Cabal-Revilla, ang chair ng Gabay Guro dahil ito ang pinarangalan ng Aliw Awards bilang Best Special Event para sa 10th grand anniversary ng Gabay Guro na ginanap sa Mall of Asia Arena noong September 17, 2018.

Bongga at talagang pinag-usapan ang 10th anniversary ng Gabay Guro dahil sa pre­sence ng mga big star gaya nina Lea Salonga, Martin Nievera, Gabby Concepcion, Sharon Cuneta, Christian Bautista at maraming iba.

Hindi umuwi na luhaan ang mga teacher na nag-attend sa 10th anniversary celebration ng Gabay Guro dahil tumanggap sila ng mga loot bag at siyempre, win sila sa raffle draw na mga sasakyan at house and lot lang naman ang ilan sa mga ipinamigay.

Hindi nakadalo si Mama Chaye sa Aliw Awards kaya ang mga vo­lunteer at PLDT executive na sina Marissa Conde, Francis Bautista at Jet Tabanera ang tumanggap ng parangal para sa Gabay Guro.

Dahil sa award na natanggap, asahan natin na mas malalaki at bongga ang mga project ng Gabay Guro para sa mga teacher sa 2019.

Brainchild ni PLDT Chairman Manny Pangilinan ang Gabay Guro dahil ito ang tribute niya sa mga guro na bayani ng bayan at malaki ang kontribusyon sa pagpapanday sa isip ng mga kabataan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with