^

PSN Showbiz

Male personality na nag-ilusyong sikat, tambay na lang ngayon!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagkukuwentuhan sa isang umpukan ang kinahinatnan ng isang maangas na bagitong male personality na sumikat nang ilang oras lang. Pinagpistahan ang pagpapabago niya ng itsura, maraming namangha sa pagbabago ng kanyang mukha, inisip niya na panghabambuhay na siyang pag-uusapan.

Ang akala ng may kayabangang male personality ay magkakaroon na siya ng career, palagi kasi siyang laman ng social media, pero hanggang du’n lang naman pala ang lahat.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Nakita siya ng isang friend ko na nakatambay sa isang lugar na malapit lang sa tirahan nila. Nandu’n lang siya, nakikipagkuwentuhan.

“Nawala na ang angas niya, mukha na siyang basang-sisiw, nauna muna kasi ang kaangasan ng mokong na ‘yun, kaya ayan, dinampot siya sa kangkungan!

“Naaalala n’yo pa ba kung paano siya mamintas nu’n ng mga sikat na artista? Masakit magsalita ang hunghang na ‘yun, pintas siya nang pintas sa mga artistang wala namang ginagawang masama sa kanya,” kuwento ng aming source.

Nu’ng minsang ipagpilitan niya ang kanyang sarili para mag-perform sa isang fiesta ay puro pagkapahiya lang ang inabot niya.

Kuwento ng isa pang source, “Ilusyunado kasi ang mokong na ‘yun, e! Naniniwala pa rin siya na sikat siya, samantalang pinaglaruan lang naman siya nu’n, korek?

“Nakiusap siya na magpe-perform kuno sa fiesta, malapit lang sa tirahan niya ‘yun, pinayagan naman siya, binigyan siya ng honorarium. Nu’ng dumating siya, aba, meron pa siyang mga amuyong na kasama.

“Akala mo sikat siyang artista na kailangan ng bodyguards, talagang mailusyon ang taong ito! Pero napahiya lang siya dahil nu’ng kahahawak pa lang niya ng microphone, ang tanong niya agad sa audience, ‘Kilala n’yo ba ako?’

“Ang tumataginting na sagot ng audience, ‘Hindi!’ O, loko, di nataranta siya! Inulit niya pa ang tanong, ‘Kilala n’yo ba ako?’

“Ang sagot uli sa kanya, ‘Hindi! Bumaba ka na d’yan! Hindi ka namin kilala!’ Napahiya siya, hindi na alam ang gagawin, kaya nag-rap na lang siya na hindi naman pinanood ng audience na kuwentuhan lang nang kuwentuhan!

“Ang kinauuwian nga naman ng kayabangan! Inunahan kasi niya ng kaangasan ang attention na ibinigay sa kanya nu’n! Waley na waley na siya, patambay-tambay na lang ngayon!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Fans ni Maine kulang sa research, Arjo pansin agad kay Angel!

Paboloso ang unang gabi ng The General’s Daughter. Alam mong pinaghandaang mabuti ang mga eksena lalo na sa panig ng militar.

Ipinakita agad ang bidang si Angel Locsin na patakas na lumangoy, tinamaan ng kanyang mga kalaban, kaya humantong siya sa dalampasigan kung saan iniligtas ng mag-inang Maricel Soria­no at Arjo Atayde ang dalaga.

Ang buhay muna sa isla ang tinutukan ng serye, wala pa ang mga kumplikadong sitwasyon tungkol sa tunay na pagkatao ng bida, lumutang sa mga eksena sina Angel, Marya at Arjo.

Walang kupas ang pag-arte ng Diamond Star, kapala-palakpak din ang acting ni Arjo bilang binatang kapos sa pagmamahal ng ama at may pagkakulang-kulang ang karakter, mapang-agaw ng atensiyon ang magaling na aktor.

Kaya nga nakapagtataka kung bakit kailangang husgahan ang binatang aktor pati ang kapatid nitong si Ria na ginagamit daw si Maine Mendoza para lang sila magkaroon ng proyekto.

Kulang sa pagri-research ang mga tumutuligsa sa magkapatid. Sa Ang Probinsiyano pa lang ay kitang-kita na ang husay sa pag-arte ni Arjo, si Ria naman ay lutang din ang talento sa mga nakaraan nitong serye sa ABS-CBN, kaya bakit pa nila kailangang gamitin si Maine?

Maghunos-dili naman sana ang mga nabubulagang fans ni Yaya Dub sa pag-aakusa sa mga anak ni Sylvia Sanchez. Matuto naman sana silang rumespeto sa mga taong wala nang kailangang gamiting kahit sino dahil sobra pa sa sapat ang talentong meron sila para ipuhunan sa pagtatrabaho.

Du’n pa lang sa unang linyang binitiwan ni Arjo Atayde sa The General’s Daughter na “Tao! Nana!” nang makita nito si Angel Locsin ay nakasulat na agad sa libro ng manonood.

Isang linya pa lang ‘yun, ha?

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with