Joseph ipapalit kay Diego
Hindi pa man siya nakapagsisimula ng kanyang trabaho bilang Enzo sa Los Bastardos ay nararamdaman na ni Joseph Marco ang malaking pressure na kakaharapin niya bilang bagong karagdagan sa serye na nagtatampok sa mga artistang lalaking may magagandang pangangatawan. Hindi naman maaalangan si Joseph sa pagkakadagdag niya sa tinututukan pang serye ng manonood para lang malaman kung anak din ba siya ni Don Roman at kapatid ng Los Bastardos. Lumalabas na napaka-prolific ng character ni Ronaldo Valdez sa pagkakaro’n ng napakaraming anak.
Kinailangan ni Joseph na mapunan ang kawalan ni Diego Loyzaga sa kuwento na naalog ng mabuti dahil nawala rin ang character ni Isabel Rivas na gumaganap na ina nito at nagsilbing kontrabida ng serye sa umaarangkada ngayong My Special Tatay.
McCoy at Elisse, magulo pa
Habang magulo pa ang sitwasyon sa pagitan nina McCoy de Leon at Elisse Joson, kailangang pang hanapan sila ng kapareha ng mga kumpanya na kumukuha ng kanilang mga serbisyo. Si Heaven Peralejo ang napiling maging bagong leading lady ng sikat na Hashtag member sa isang episode ng Wansapanataym habang ginawang third wheel naman si Elisse ng tambalang JoshLia sa katatapos pa lamang na Ngayon at Kailanman.
FDCP maraming ipagdiriwang
Magdaraos ng isang FDCP Film Ambassadors Night sa Pebruary 10 sa SM Aura Premier ng Bonifacio Global City. Ipagdiriwang ng Film Development Council of the Philippines ang pagwawagi ng maraming pelikulang Pilipino, filmmakers, producers at artists sa taong 2018 sa mga sinalihan nilang filmfest, dito man o sa abroad na kinabibilangan nina Shireen Seno (Nervous Translation), Treb Monteros 11 (Respeto), at Brillante Mendoza (Alpha The RightTo Kill).
- Latest