Bahay ni Pacman nanakawan na naman, safety deposit box natangay?!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2019 - 12:00am

Kasakay ng ilang kababayan natin pabalik ng kanilang bayan (sa Amerika) ang nanay at kapatid ng natalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Adrein Broner noong Linggo. Sa Cincinnati, Ohio, daw pala ito nakatira. Pero ang napansin ng friend ko na kasakay, nasa economy section lang din ang mga ito tulad nila. Kasama rito ang nanay at kapatid ng Amerikanong boksingero.

Ibang-iba raw pala ang social status ni Pacman kesa sa ibang boksingero o nakakalaban nito tulad ni Broner.

Common knowledge kung gaano nga naman kayaman si Pacman.

As in iba nga naman pag Pacman, mas marami na siyang hawak na titulo, nakalaban at natalo. Kaya sobrang yaman na niya to the point na naloloko pa sila sa pera dahil sa umano’y sobrang kabaitan.

Ibang level na siya at malayung-malayo kay Broner na parang mas marami lang yabang. 

Alam ng lahat kung gaano sila kayaman sa mga bag pa lang ng misis niyang si Jinkee.

Anyway, bukas darating ng Manila si Sen. Manny. Medyo napuruhan nga lang siya sa may mata ni Broner kaya hindi na nagkaroon ng chance ang maraming fans ng pictorial after the fight dahil nga sa tama sa may mata kaya nakasuot siya ng shades na tinanggal naman nang makipag-selfie sa ginanap na prayer meeting noong Lunes ng umaga.

Umalis din siya agad ng Las Vegas at bu­malik ng Los Angeles kasama ang buong entourage. Pero nagulat sila nang umano’y nasalisihan ng mga magnanakaw ang bahay ni Sen. Manny sa LA. Agad itong pinalibutan ng pulis. Hindi ito ang unang pagkakataon na nabalitang nanakawan ang bahay ng pamilya Pacquiao sa Amerika. Hindi raw kasi maganda ang lugar kaya may ilang nagsa-suggest na ibenta na ito o parentahan.

Wala si Jinkee sa naturang bahay dahil nag-rent pala ito ng separate house habang nasa LA para nga hindi maka-istorbo sa training ni Manny kay Broner. 

Ang balita ng isang kasama ni Sen. Manny, natangay ang safety deposit box na may lamang pera at mga alahas.

Ang balita, ang kanyang tita na kapatid ni Mommy Dionisia ang caretaker na nano­nood ng laban sa Las Vegas na naka-gown.

Pero sigurado naman daw insured ‘yun so madali ring mare-recover.

Shows ng kapamilya namayagpag last year

Bongga ang ABS-CBN. Ayon sa survey ng Kantar Media, sila pa rin ang pinakapinanood na network noong 2018 matapos itong magkamit ng average audience share na 45%, o 13 puntos na lamang kumpara sa 32% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media. 

Ayon sa Kantar, buong taon ngang tinutukan sa bawat sulok ng bansa ang ABS-CBN, partikular na sa Mega Manila sa pagtala nito ng average audience share na 36. Nanguna rin ang Kapamilya Network sa Total Luzon sa pagtala nito ng 40; sa Total Visayas sa pagkamit nito ng 53%, at sa Total Mindanao sa pagrehistro nito ng 52. 

Ayon pa sa survey ng Kantar, namayagpag din ang ABS-CBN sa listahan ng pinakapinanood na programa noong 2018, matapos 16 sa palabas nito ang nakapasok sa top 20, na pinangunahan ng FPJ’s Ang Probinsyano (41.2%). Kasama rin sa listahan ang Pilipinas Got Talent (38.1%), Your Face Sounds Familiar Kids (33.3%), Bagani (31.8%), La Luna Sangre (31.4%), TV Patrol (30.5%), Ngayon at Kailanman (28.8%), MMK 25 (27.2%), at The Kids’ Choice (26.2%).

Nanguna rin noong 2018 ang Wansapanataym (25.7%), Home Sweetie Home Walang Kapares (23.4%), Wildflower (23.3%), Home Sweetie Home (23.2%), Halik (22%), Meteor Garden (21.6%), at Rated K (19.8%).

Maging sa bawat time blocks noong 2018, partikular na sa primetime block ay nakapagtala sila ng 49 ayon pa sa Kantar.                                         

Related video:

ADREIN BRONER MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with