Jinkee at Manny
Manny hindi na puwedeng pantayan
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2019 - 12:00am

Happy ako sa win ni Papa Manny Pacquiao kahit hindi knockout ang resulta ng laban niya kay Adrien Broner sa MGM Grand Las Vegas noong Sabado.

Hindi alam ng marami na may sipon si Champ Manny at medyo iniinda niya ‘yon hanggang sa laban nila ni Broner.

Kung nasa top condition si Papa Manny, sure ako na na-knockout niya si Broner na mas mahaba ang kamay at malayo ang agwat ng edad  nila pero wala siyang nagawa sa expertise ng Pambansang Kamao. Twenty nine years-old si Broner at 40-years old si Papa Manny.

Sigaw nang sigaw ang kasama naming si Lynette na naging boxing fan na rin after ng experience niya sa boxing fight nina Papa Manny at Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia noong July 2018.

Feel na feel kasi ang energy ng crowd sa loob ng MGM Grand. Mala­king pressure talaga na makalaban si Papa Manny dahil ang pangalan nito ang isinisigaw sa buong arena na parang rinig sa buong Las Vegas.

Hay naku, Filipino pride talaga si Champ Manny, wala na talagang papantay sa kanya. Congrats Papa Manny for bringing another honor to the country.

Jinkee may palabra de honor!

Thank you sa mga mga kapatid ni Mama Jinkee Pacquiao. Ang babait ng Jamora sisters, sina Haidee at Janet.

Tatlo lang ang hiningi ko na tickets para sa laban nina Papa Manny at Broner pero apat ang ibinigay nila.

At talagang binantayan pa ni Haidee ang schedule ko para tiyakin na mabibigay niya sa akin ang ticket. So sweet of the Jamora sisters.

Hindi nagbago si Mama Jinkee, nanatiling sweet at simple. Maipagmamalaki mo talaga ang pagkakaroon niya ng palabra de honor. Basta may binitiwan siya na pangako, tinutupad niya. Kapag sumagot siyang oo, sure na oo ‘yon. Thank you Mama Jinkee, Haidee at Janet, tunay nga na pamilya kayo ng champion, love you!

Starstruck  audition dinagsa

Nagsimula na kahapon ang auditions para sa 7th edition ng Starstruck, ang reality-based artista search ng GMA 7.

Hindi ako nagulat nang malaman ko na madaling-araw pa lang, mahaba na ang pila sa annex building ng Kapuso Network dahil sa rami ng mga kabataan na nangangarap na maging artista.

Ang feeling kasi ng mga bagets, maka­ka­ahon sila sa kahirapan kapag natupad ang dream nila na makapasok sa showbiz. Wala yatang nagpapayo sa kanila na mas importante pa rin ang makatapos ng pag-aaral dahil hindi stable profession ang pagiging artista.

Kung  stable job ang pag-arte, wala na sanang nag-quit sa showbiz, nagtayo ng mga negosyo o nagpunta sa ibang bansa para maging maayos at maganda ang takbo ng buhay nila.

Saktong-sakto sa showbiz ang kasabihan na many are called but few are chosen. Sangkaterba ang sumasali sa mga audition pero iilan lamang ang napipili dahil matira ang matibay ang labanan.

Bukod sa maganda o guwapo ang itsura mo, kailangan talaga na may talent ka sa pagkanta, pagsasayaw at pag-arte dahil kung wala, kalimutan mo na ang dream na maging artista dahil hindi ka makaka-survive. Harapin mo na lang ang pag-aaral dahil sure na may bright future ka kapag nagkaroon ng college diploma at matatag na trabaho o negosyo.

ADRIEN BRONER MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with