Janine at Rayver
Janine at Rayver no label pa rin!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2019 - 12:00am

Kahit may espesyal na ugnayan na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz ay hindi pa naman daw opisyal na magkarelasyon ang dalawa.

Madalas na nakikitang magkasama at aminadong masaya sina Janine at Rayver sa isa’t isa. “No label, para sa akin mas importante kung paano kayo kaysa sa ano mang label. May mga official nga na boyfriend-girlfriend pero may naririnig tayong hindi maganda at di sila masaya,” makahulugang paliwanag ni Janine.

Ayon sa anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher ay tanggap naman si Rayver ng kanilang buong pamilya. “‘Yung kapatid kong lalaki parang nagkaroon na siya ng kuya kay Rayver. Pati kay dad ang tawag niya Kuya Mon at Ate Lot naman kay mom. Parang ‘pag nag-uusap lang sila na magbarkada. It’s not being disrespectful pero ganoon na talaga ang nakasanayan nila,” pagbabahagi ni Janine.

Naging kasintahan ng aktres noon si Elmo Magalona. Natatakot kaya si Janine na magkaroong muli ng kasintahan dahil sa mga nangyari sa kanila ni Elmo? “Dati noong una, I guess parang pinipigilan ko lang ang sarili ko na maging seryoso uli because of the past. Pero ngayon wala namang reason para mag-hold back. Medyo ‘pag naiisip ko, masakit siya na nakakatawa. ‘Yung first love ko kasi hindi siya masyadong seryoso. ‘Yung iba akala nila ‘yon na ‘yung one great love nila. ‘Yung sa akin sobrang crush na crush na crush ko lang pala siya pero sobrang na-heartbreak ako. May mga panahon nga na sabi ko, ‘Ano na ang mangyayari? Guguho ba ang mundo ko?’ Pero hindi naman,” natatawang kwento ng aktres.

Suklay Diva, naimpluwensyahan ni Gary V.

Sa February 2 na gaganapin sa KIA Theater ang SiKAT Ako concert ni Katrina Velarde o mas kilala bilang si Suklay Diva.

Ito ang kauna-unahang ma­la­king concert ng dalaga kaya magkahalong emosyon ang nara­ramdaman sa ngayon. “Masaya po ako na mayroon pong mga tao na nagtitiwala sa ginagawa ko at nininerbiyos po ako. ‘Pag nga po sa Music Hall ako kinakabahan ako, KIA pa kaya? Pero gano’n pa man, iniisip ko na lang ang lahat ng taong naniniwala sa akin. Para po ito sa kanila,” nakangiting bungad ni Katrina. 

Matatandaang sumali noon sa X-Factor Philippines ang singer kaya malaki raw ang naging impluwensya sa kanya ni Gary Valenciano na isa sa mga hurado nito. “Bukod po sa pagiging mentor namin from X-Factor days, hindi lang po pagkanta ang itinuro niya sa amin, pati po pagkakaroon ng faith kay God. ‘Yon po ang importante dahil hindi lahat ng songs eh pwede mong ialay sa mga taong mahal mo lang. Nabuksan po niya ang passion ko sa pagkanta,” paglalahad ni Katrina.

JANINE GUTIERREZ RAYVER CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with