Magandang young actres s na pinaglalawayan ng mga basketbolista, kumpirmadong tibo!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2019 - 12:00am

Narinig kong pinag-uusapan ng ilang production staff ng isang reality show na nakumpirma raw nilang tomboyita pala itong si magandang young actress na produkto ng kanilang programa.

Ngayon nga namin napagtanto na never napabalitang nagka-boyfriend itong si magandang young actress.

Mas type pala niya ang kapareho niyang girl.

Nakalkal kasi sa Instagram account ng isang magandang girl na close it okay young actress.

Sexy at maganda rin itong si girl na close kay young actress, pero aminado siyang tomboy siya at mas type niyang girl ang dyowa niya.

Nakikita sa mga post ni magandang girl ang mga comments doon ni young actress na ang sweet at mamalisyahan mong meron talaga silang something.

Walang pinu-post si young actress sa kanyang social media account, pero sa account ni magandang girl ay nakikita ang sweetness nila roon.

Kamakailan lang ay dalawa sila sa isang each resort na nagbakasyon at katakam-takam sa mga kalalakihan ang mga sexy na kuha nilang dalawa na ipinu-post ni pretty girl sa kanyang Instagram account.

Type pa naman ng mga basketball players itong si young actress, pero sorry na lang guys, kasing ganda rin niyang girl ang type niya.

Mapangahas na pelikula ni martin ginawang r-16!

Masayang-masaya si direk Perci Intalan dahil pinagbigyan ng MTRCB ang request niyang gawing R16 ang pelikula niyang Born Beautiful na pinagbibidahan ni Martin del Rosario.

Pagkatapos magkaroon ng special screening sa Cine Adarna sa UP nung nakaraang Biyernes, January 18, ang dami kong naririnig na magandang komento sa pelikula.

Mapangahas daw at tiyak na may mga magri-react at kokontra kapag mapanood ito ng mga conservative group.

Kontrobersyal daw ang ending na kung saan kasama sa eksenang iyun si Paolo Ballesteros.

Dahil sa katapangan na paglalahad sa kuwento ng pelikulang iyun, binigyan ng R18 ng MTRCB, pero ayaw sumuko ni direk Perci.

Nag-request siya ng second viewing sa ibang grupo ng miyembro, at sa tulong ng MTRCB Chair­person Rachel Arenas, nag-facilitate siya ng deliberation, pero hindi siya puwedeng bumoto kung anong rating ang ibibigay.

Malaki ang pasasalamat ni direk Perci dahil ginawa nang R 16 mula sa unang rating na  R18.

Kaya madadagdagan na siya ng sinehan dahil puwede na itong mapanood sa mga SM cinemas.

Pahayag ni direk Perci; “Maraming-maraming salamat sa MTRCB, kasi after the UP screening, they heard the overwhelming positive reaction mula sa lahat ng nakapanood ang they were open to reviewing the film, and finally granted us a R-16 rating!

“Salamat kay Chair Rachel.”

Kakaibang pelikula raw ito na tingin nila bago sa mga manonood.

Huhusgahan na ang pelikula bukas, January 23 at very positive silang wala itong makakasabay na Pinoy film.

Samantala, nalaman lang namin kahapon sa post ng producer na si Atty. Joji Alonzo, na pinagbigyan din sila ng ilang sinehan na ipalalabas uli ang MMFF 2018 entry nilang The Girl in the Orange Dress.

In-announce ni Atty. Joji sa kanyang  Instagram account na simula bukas din ay mapapanood uli sa ilang sinehan itong pelikula nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola sa halagang 150 pesos lang ang ticket.

Sana nga suportahan natin ang mga pelikulang atin.

AKi kanasanasa

Kasabay ng showing ng Born Beautiful ay mapu-promote naman ang photobook ni Dave Fabros dahil isa sa nagpa-pictorial sa kanya ng sexy ang isa sa leading men ng pelikula na si Aki Blanco.

Daring din si Aki sa pictorial na iyun na kung saan pumayag siya ng butt exposure, na nagawa naman niya noon sa isa niyang indie film.

Sabi ni Aki; “Mas nakakakaba itong pictorial kesa sa films na nagpapakita ka ng katawan, kasi sa mga pictorial na ganun, wala kang karakter, sarili mo lang ang dala mo.”

Kaya mukhang sa pagpapa-sexy na ang tatahakin ng career ni Aki na kanasa-nasa naman daw talaga siya sa Born Beautiful.

 

MARTIN DEL ROSARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with