^

PSN Showbiz

Aktres na adik sa retoke sa abroad naman nagpagalaw

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sangkatutak na sakit ng puso at katawan ang inabot ng isang kilalang female personality nang magdesisyon siyang mahiga sa mesa at magpaopera ng maraming bahagi ng kanyang mukha at katawan.

?Talagang kinarir niya ang sunud-sunod na operasyon, nagbago ang kanyang itsura, may nakamukha pa nga siyang female persona­lity na operada rin.

?Ang dati niyang flat na likuran ay biglang umumbok, dumoble rin ang laki ng kanyang mga boobs, talagang nagpakalaki ng ipinagbago ng kanyang mukha at katawan.

?Kuwento ng aming source, “Hanggang sa siya na ang sumuko, sobra-sobrang panlalait na kasi ang natitikman niya. Ang the height, e, nu’ng may nagsabi na mukha na siyang unggoy!

?“Nilait-lait talaga siya ng netizen, meron pa ngang old pictures niya ang namimintas sa kanya, ikinum­para sa itsura niya nu’ng magpaopera na siya.

?“Napakalaki nga naman ng ipinagbago ng itsura niya, malayung-malayo sa dating simple lang niyang kagandahan. Nu’n siya nag-decide na hu­wag na munang magpa­ope­ra,” unang kuwento ng aming im­pormante.

?Pero nakakaadik nga kuno ang pagpapa-enhance ng kagandahan, hindi pa rin siya tumigil, pero sa ibang bansa na siya nagpagawa nang matagal-tagal siyang nawala.

?“Naku, balik na naman siya sa pagpaparetoke and this time, talagang napakasosyal ng lola n’yo, sa ibang bansa na siya nagpagawa!

?“Bakit nga naman, e, madatung ang papa de azucarera niya, kayang-kayang tustusan ang mga granatsa niya sa buhay, kaya bakit hindi pa niya sasamantalahin ang panahon? Marami na naman siyang ipinabago, ibang-iba na naman ang itsura niya.

?“Wait na lang natin ang pagbabalik niya, tingnan natin kung ano naman ang itsura ng face niya ngayon. Ang balita nga, e, du’n sa doktor na umoopera sa mga Hollywood stars ang gumawa sa kanya!

?“Malaki ang budget ng girl, kering-carry niya ang ganu’n kadugong enhancement, say n’yo? Nand’yan naman kasi ang madatung niyang boyfriend na nakasuporta sa kanya.

?“Wait lang tayo, ha? Napakaigsi ng name niya kundi n’yo pa napapasadahan kung sino siya!” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Broner parang naalog ang ulo  sa mga tama ni Pacman

Ano kaya ang akala nitong si Adrien Broner—tanga ang lahat ng mga tao sa buong mundo na sumaksi sa laban nila ng Pambansang Kamao?

?Halos tapusin na nga ito ni Pacman sa ikapitong round, na naulit pa sa ikasiyam na round, tapos ay sasabihin ng Broner na ito na lutong-macao ang laban?

?Masyado yatang nakalog ang kanyang ulo sa pagkalalakas na suntok ni Senador Manny Pacquiao kaya nag-ilusyon ang boksingerong ito na dapat daw ay ito ang ipinahayag na nanalo.

?Sobrang bilis ni Pacman sa kanilang laban, siya ang nagmistulang beinte nuwebe anyos at si Broner ang kuwarenta, walang ipinagbago ang bigat ng kamao ni Pacman pati ang kanyang foot work.

?Kayang-kaya niya na ngang patumbahin at pahalikin sa lona si Broner sa ikapitong pagrapido niya ng mga suntok, pero umalalay pa siya, ‘yun kasi ang bilin ng kanyang trainer na si Buboy Fernandez.

?“Bay, lamang tayo. Hinay-hinay ka lang. Lamang tayo,” panay-panay ang bilin ng kanyang trainer. Sigaw rin nang sigaw si Buboy habang umiinit ang laban, “Galaw! Ulo! Galaw!”

?‘Yun ang tunay na papel ni Buboy Fernandez bukod sa pagiging trainer ni Pacman. Ito ang kailangang sumisigaw, hindi ang head coach, dahil naiintindihan ng kampo ng kalaban ang Ingles.

?Pagkatapos ng matagumpay niyang laban ay nilagyan ng eye patch ang kaliwa niyang mata. Parang namaga ‘yun at pulang-pula, nagasgas daw sa ikapitong round nang paulanan niya nang sunud-sunod na upak si Broner.

?Bago nagsimula ang laban ay nagpunta muna sa kanyang corner si Pacman at nagdasal. Pagkatapos ng laban ay tumakbo uli siya sa sulok at nagdasal ng pasasalamat sa Panginoon.

?‘Yun ang katangian ni Senador Manny Pacquiao na kailanman ay hindi pinagbago ng tagumpay, kayamanan at kasikatan. Nanatili siyang mapagkumbaba, ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya, pero hindi niya kinalilimutan na ang lahat ng lakas at talentong meron siya ay bigay sa kanya ng Panginoon.

?Mabuhay si Pacman! Mabuhay ang mga Pilipino sa buong mundo! Mabuhay ang Pilipinas!

vuukle comment

ADRIEN BRONER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with