Louise at Xian
Xian hindi takot makipagbanggaan sa Hollywood movie
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2019 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sa pelikulang Hanggang Kailan sina Xian Lim at Louise delos Reyes.

Para kay Xian ay talagang kaabang-abang ang tema ng pelikulang ito mula sa Viva Films na mapapanood na sa mga sinehan simula February 6. “Yes, this is it. Very excited na maipapakita na namin, maipapalabas na namin ang pelikula. Dito talaga we really want sa lahat ng manonood, lumabas ng iba ang nararamdaman nila. Kumbaga, hanggang kailan ba ako magmamahal, parang hanggang kailan ba natin ’to gagawin sa isa’t isa,” nakangiting pahayag ni Xian.

Sinisiguro naman ni Louise na magugustuhan ng kanilang mga tagahanga ng aktor ang bago nilang proyekto. “Maybe after watching this movie, once in their life mayroong isang eksaktong eksena doon na naramdaman nila ito na, ‘Nangyari ito sa akin,’” giit ni Louise.

Hindi na raw iniisip ng bagong tambalan ang mga pelikulang makakalaban nila sa takilya lalo na ang Hollywood films. “The Hollywood and this movie, medyo konti lang naman (ang diperensya),” pagbibiro ni Xian.

 “No this movie will really provide a different taste and different feel para sa mga manonood,” dagdag pa ng aktor. “Maybe may kanya-kanyang strength and may mga bagay na ipapakita ang mga artista sa bawat movie. Kaya sana suportahan nating lahat ang pelikulang Pilipino,” pagtatapos ni Louise.

Rayver naunang nakahalik kay Janine kesa kay Enchong 

Magkatambal sa pelikulang Elise sina Enchong Dee  at Janine Gutierrez. Napababalitang may espesyal nang ugnayan ngayon sina Janine at Rayver Cruz na malapit na kaibigan naman ni Enchong.

Hindi raw kinailangang magpaalam ni Enchong sa kaibigan nang gawin ang mga kissing scenes nila ng aktres sa nasabing proyekto. “Mas malaki ‘yung tiwala niya sa akin kasi kaibigan niya rin ako, tapos ganun din si Rayver. Parang pakiramdam ko bilang boyfriend, mas kakabahan ako kung hindi ko kilala ‘yung hinahalikan ng girlfriend ko. Actually nakakatuwa kasi call ni Janine ‘yon eh,” paliwanag ni Enchong. 

Nag-bonding muna ang aktor at si Janine bago gawin ang pelikula upang maging maganda ang chemistry nila sa harap ng kame­ra. Ipinaubaya na rin ni Enchong sa dalaga ang pagsasabi kay Rayver tungkol sa mga eksena na kanilang ginawa. “Kami ni Janine nag-usap kami, oo definitely, pero ‘yung katulad nga kay Rayver, hindi ko na siya naabisuhan. Kasi baka ipatigil niya ‘yung shooting,” natatawang pahayag ni Enchong. “Siya na lang ‘yung nagparating ng mensahe na, ‘Ooops! Naunahan na kita,” dagdag pa niya.

LOUISE DELOS REYES XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with