Robin
Robin hindi nakanood ng PacBro dahil kay bato
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2019 - 12:00am

Gusto man ni Robin Padilla na tumigil muna sandali sa shooting ng Bato the Movie para manood ng laban nina Sen. Manny Pacquiao at Adrien Broner, hindi puwede dahil kailangan palang tapusin talaga nila ito bago mag-January 30.

Hindi raw kasi nag-agree ang karamihan na after elections na ang showing ng biopic ni Gen. Ronald “Bato” dela Rosa. Kailangang habulin daw ito bago magsimula ang campaign period kaya nakatakda na raw ang showing nito sa January 30.

Kahapon ay kinunan daw sa Tanay, Rizal ang malaki at maaksyong eksena ng pelikula kaya wala na silang panahon para manood ng laban nina Pacquiao-Broner.

Ang unang balita, si Robin din daw ang producer nitong Bato The Movie pero ang latest na narinig namin under ALV Productions ito na idi-distribute ng Regal Films.

Kailangang tapusin daw ang mga eksenang may buhok si Gen. Bato, dahil pagkatapos nito ay magpapakalbo na si Robin.

Kung matapos nga nila ito, ihahabol na nga ito sa January 30 showing na kung saan makakatapat naman ang Sikreto ng Piso na pinagbidahan nina Ariel Rivera at Gelli de Belen.

Bea maraming fans sa Peru at Ecuador

Isa rin sa mga artistang tampok sa pelikulang Sikreto ng Piso na si Bea Binene ang nakatsikahan namin sa mini-presscon ng naturang pelikula kamakalawa ng hapon.

Naitsika sa amin ni Bea na kahit marami siyang ginagawa, naisisingit niya ang pag-aaral sa Meridian International College.

Kinukuha roon ni Bea ang kursong Film na napagtanto raw niyang napakahirap daw pala.

Akala raw niya kakayanin niya dahil artista na siya at alam na niya ang takbo sa showbiz, hindi raw pala.

Kaya pinag-iisipan daw niyang mag-shift ng course into Enterpreneurship.

Pahayag ni Bea; “Akala ko nga madali lang ang Film, mahirap pala. Parang kinuha ko siya kasi akala ko madali lang kasi nasa industry na tayo, hindi pala, ang hirap.”

Wala naman daw siyang balak na pasukin ang pagdidirek, pero iniisip daw niyang pag-aralan ang iba pang ginagawa ng isang filmmaker pero hindi raw pala ganun kadali.

“Ako, nakikita ko sa taping ganyan. Pero pag nag-aaral ka, ikaw ang production manager, ikaw ang utility, talent coordinator, ikaw din ang cameraman, ikaw ang scripwriter, editor, lahat, ang hirap saka time consuming,” natatawang pahayag ni Bea.

Pero nag-i-enjoy daw siya sa pag-aartista lalo na’t marami raw ang nakaka-appreciate sa ginagawa niya.

Natutuwa nga siya nang nalaman niyang ma­lakas pala sa ibang bansa ang drama series nila ni Derrick Monasterio na Hanggang Makita Kang Muli.

Nalaman niyang malakas ito sa ilang South American countries gaya ng Peru at Ecuador, pati sa ilang bansa ng Africa.

“Tapos ang sinasabi nila, Espanyol pa kasi feeling ko baka hindi sila marunong mag-English. So, ako ginu-Google translate ko pa, tapos sinasagot ko English na ginu-Google translate ko rin na Spanish tapos i-send ko sa kanila. Sinasagot ko talaga sila kasi sobrang nakakatuwa,”  masayang kuwento ni Bea.

“Sobrang saya kasi iba rin sa pakiramdam na hindi lang sa Pilipinas ka napapanood di ba, tapos i-search ko sa YouTube yung mga trailers, naka-dub talaga ng Espanyol. Medyo weird pero ang saya…kasi di ba tayo nanonood din mga Koreanovela ganyan, parang ganun din sa kanila. Ibang feeling na sana…hopeful din ako na makapunta ako sa kanila and visit them. Sinasabi nila na sana makapunta raw ako,” sabi pa ni Bea.

Pati ang pelikula niyang Sikreto ng Piso ay aware na rin ang mga fans niya sa mga naturang bansa na may ganun siyang pelikula. Ewan ko lang kung makakarating pa dun dahil gusto rin naman daw sana ni Bea na mapanood nila ang pagpapatawa niya.

Dingdong gulat na matsitsismis na magiging kapamilya 

Nagtataka ang manager ni Dingdong Dantes na si Perry Lansigan kung bakit may kumakalat na intrigang posibleng lilipat sila sa Kapamilya network pagkatapos ma-expire ang kontrata ng GMA Primetime King.

Wala raw sa isip ni Dingdong ang lumipat lalo na’t mukhang maayos naman ang napagkasunduan nila sa renewal nito.

Bukod sa ginagawa ni Dingdong ang Cain at Abel, may mga naka-line up pang ibang magagandang projects, at nakaka-inspire din ang magandang resulta ng Amazing Earth.

Kaya hintayin na lang natin ang renewal ni Dingdong sa GMA 7 at kung ano pa ang plano sa kanya ng Kapuso network.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang Kapuso Primetime King sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Cebuano nang nakisaya sila nina Dennis Trillo, Sanya Lopez at Solenn Heussaff sa Kapuso mall show na ginanap sa Gaisano Grand Fiesta Mall Tabunok sa Talisay City nung nakaraang Sabado.

Pinagkaguluhan din sila sa parada nila sa Sinulog fiesta kahapon, kaya tanggap na tanggap ng mga Cebuano ang Cain at Abel.

 

MANNY PACQUIAO ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with