Gretchen
Gretchen bagong whistleblower
(Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2019 - 12:00am

SEEN: Dapat maghunos-dili at maghinay-hinay ang trolls sa pagbatikos sa personal life at lovelife ni Gretchen Barretto dahil sa ginagawa nila, nauungkat din ang mga kuwento tungkol sa makulay na lovelife ni Kris Aquino.

SCENE: Ang mabigat na akusasyon ni Gretchen Barretto tungkol sa tax problems ng isang businesswoman na diumano’y tinulungan ni Kris Aquino ang mitsa kaya naungkat uli ang naging problema ni Senator Manny Pacquiao sa BIR noong si Noynoy Aquino pa ang pangulo ng Pilipinas

SEEN: Whistleblower uli ang bansag kay Gret­chen Barretto at tinatawag na 25-year challenge ang ginawa niya na pagbubulgar sa pagtulong ni Kris Aquino sa tax problems ng controversial businesswoman dahil noong 1994 , siya rin ang nagsalita tungkol sa Manila Film Festival scam.

SCENE: Ang sunod-sunod na pagpapakita kahapon ng teaser ng Al­yas Pogi sa telecast ng GMA 7 sa boxing fight nina Senator Manny Pacquiao at American boxer Ad­rien Broner. Ang Alyas Pogi ang comeback movie ng senatoriable na si Bong Revilla, Jr.

SEEN: Ang Gabay Guro ng PLDT ang pinarangalan ng Aliw Awards bilang Best Special Event sa awarding ceremony sa Manila Hotel noong December 13, 2018. Ipinagdiriwang ng Gabay Guro ang 10th anniversary kaya fitting testament ang parangal ng Aliw Awards sa hard work at tireless efforts ng mga volunteer na pinangungunahan ni Ga­bay Guro Chair Chaye Cabal-Revilla.

SCENE: Nagbibigay ng mga libre na training at nagdaraos ng teacherfest events para sa mga guro sa buong Pilipinas ang Gabay Guro na suportado ng mga sikat na showbiz personality gaya nina Edu Manzano, Pops Fernandez, Regine Velasquez, Lea Salonga at Gabby Concepcion.

SEEN: Ang Music Hall sa Metro­walk, Pasig City ang venue ng A Valen­tine Date with a Prince, ang show ni Ronnie Liang sa February 14, 2019.

SCENE: Ang pamilya at malala­pit na kaibigan ang invited guests sa very intimate 60th birthday dinner ni Sandy Andolong na ginanap sa isang restaurant sa Pasig City noong Sabado, January 19. Sina Lorna Tolentino, Laurice Guillen, Amy Austria, Tirso Cruz III, Fanny Serrano, Lotlot at Matet de Leon ang ilan sa mga bisita ni Sandy.

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with