Marian outcast na naman sa kanilang baby boy
MANILA, Philippines — Mukhang ngayon pa lang, may susunod na sa yapak ng kagwapuhan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes dahil ayon sa kanyang misis na si Marian Rivera, kamukha nito ang baby boy nila dahil sa sonogram na ibinahagi nito kamakailan. Pagbibiro ni Marian, ‘outcast na naman’ siya sa kanyang mag-aama dahil ang mga ito ang magkakamukha.
Pero ang mas ikinatutuwa ngayon ng fans nila ay ang rebelasyon ni Marian na tila mahiyain ang kanilang baby boy nila kaysa kay Zia. “Tsaka shy type ‘to ngayon kasi si Zia nu’n inu-ultrasound, fino-4D namin gumaganon [nagpo-pose] ‘eto gumaganon [nagtatago], kinausap namin sabi naming, ‘anak magpakita ka naman, isa lang ginawa niya gumanon [sumilip] lang siya.”
Dagdag pa ni Yan ay baka pilyo rin ito tulad ng Cain at Abel lead star.
- Latest