^

PSN Showbiz

Laban ni Pacman ramdam ang presence ni Lord

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Laban ni Pacman ramdam ang presence ni Lord
Pacman at Broner

One thing na appreciated ko ngayon sa fight ni Champ Manny Pacquiao ang prayer meeting na ginagawa niya everyday.

Ang daming matututunan sa kanyang Bible Study, ang huhusay ng mga speaker na kinukuha niya at talagang seryoso ang Pacquiao at Jamora families to keep their faith.

Tahimik na tahimik sila habang pinakikinggan ang mga sinasabi ng pastor at as a listener, ang gaan ng feeling.

The Bible naman is for all religions kaya okey na makinig, namnamin ang mga sinasabi at ang mga paliwanag. Ang ending, ang gaan ng feeling.

Nagustuhan ko ang pakikinig sa mga sinabi ng Pastor at sa Las Vegas pa ha? At least, kahit saan feel ko ang presence ni God. Amen.

Parang mga bata sina Salve at Lynette nang makita nila ang mga decor na pig sa Bellagio Hotel & Casino ng Las Vegas.

Pareho sila na isinilang sa Year of the pig. Naalaala ko na pare-pareho sila ng birth sign ni Kris Aquino kaya tinukso ko na baka turbulent din ang life nila last year. Excited sila this year sa mangyayari.

Bongga ang mga pig decor ng Bellagio kaya para silang mga bata sa pictorial. Now go sila  sa Grand Canyon na lalo pa  nila ikina- excite dahil bundok. May time naman ako para mag-watch ng mga Koreanovela ko.

Ang laking tulong sa akin ng Ipad ha dahil baon ko everywhere ang mga Koreanovela na ipina-download ko.

Getting ready na rin ako para manood ng fight ng Papa Manny Pacquiao ko ‘di ba? Fight champion fight! Excited na sobra si Papa Toby Tiangco, ang lucky charm ng Champion Manny ko!

Live na mapapanood

Mapapanood ngayon sa Pilipinas ang live telecast ng laban ni Papa Manny sa American boxer na si Adrien Broner.

Magkaiba ang oras sa bansa natin at sa Amerika. Sabado nang gabi ang laban ng dalawa sa MGM Grand sa Las Vegas at Linggo nang umaga, sa Pilipinas.

Sure ako na bukod sa araw ng Linggo, walang traffic sa Metro Manila dahil nakatutok ang lahat sa laban ni Papa Manny kahit unknown ang kalaban niya.

Confident ako na matatalo ni Papa Manny si Adrien at kahit matalo ito, feeling winner pa rin dahil malaki ang take home pay niya. Siyempre, mas mataas ang talent fee na matatanggap ni Papa Manny na isang boxing icon at talagang kilalang-kilala sa buong mundo.

Kapuso Stars sasali sa Sinulog

Habang nakikipagbuno si Papa Manny kay Adrien Broner, ipinagdiriwang naman sa Cebu ang dinarayo na Sinulog Festival.

Personal na nakita ng mga Cebuano sa Sinulog Festival ang kanilang favorite Kapuso actors dahil may mga mall show ang cast ng Cain at Abel, pati ang mga artista ng mga coming teleserye ng GMA 7, ang Kara Mia at Inagaw Na Bituin.

Nakisaya sa Sinulog Festival sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Sanya Lopez, Solenn Heusaff,  Barbie Forteza, Mika dela Cruz, Jak Roberto, Paul Salas, Kyline Alcantara at Therese Malvar.

Ang mga bida ng Cain at Abel ang sasakay sa float ng GMA 7 sa Sinulog Festival na magaganap ngayong umaga sa kalye ng Cebu City kaya asahan natin ang traffic sa nasabing lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with