Maja
Maja rumesbak sa mga tumatalak sa pagiging hurado niya
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2019 - 12:00am

Marami ang kumukuwestiyon kung bakit si Maja Salvador ang nakuha bilang isa sa mga judge ng World of Dance Philippines na napapanood tuwing Sabado at Linggo. “’Wag ako! Nakaupo na si Maja bilang judge, wala na kayong pakialam, ‘yon na ‘yon,” pahayag ni Maja bilang si Lily Cruz na kanyang karakter sa teleser­yeng Wildflower.

Maging ang aktres ay nagulat nang unang matanggap ang balita na mapapabilang sa mga hurado ng nasabing programa. “Bilang Maja naiintindihan ko po hindi mo naman mapi-please lahat. Ako judge, bakit? Ako din naman po kinuwestiyon ko. Feeling ko bakit ako? Ang daming mas magaga­ling diyan, si Teacher Georcelle (Dapat-Sy). Ang daming mas legit na mas magagaling sumayaw, ang daming mas may experience,” pagbabahagi ni Maja. Malaki ang pasasalamat ng dalaga dahil sa tiwala at suportang nakukuha mula sa mga taong nakapaligid sa kanya. “Kinausap ako ni Teacher Georcelle, in-encourage rin niya ako na parang pinaliwanag niya kung bakit isa ako sa mga napili. Kinausap din ako ni Ms. Joyce (Liquicia, Business Unit Head ng World of Dance Philippines), saying na, ‘Sayang naman ‘yung tinrabaho natin sa ASAP for fifteen years kung tatanggihan mong mag-judge.’ Bumalik ako do’n sa kinakausap ako ni Ma’am Charo (Santos-Concio) na bubuksan niya ‘yung pinto para ma­ging artista ako. Tapos sabi ko parang gusto ko rin maging isa sa mga rason sa pagtupad ng pangarap ng mga tao,” nakangiting pagdedetalye ni Maja.

Elisse, natakot iwan ng fans

Hindi naging madali para kina Elisse Joson at McCoy de Leon na tapusin ang kanilang pelikulang Sakaling Maging Tayo na palabas pa rin sa mga sinehan ngayon.

Nagkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan ang dating magkarelasyon habang ginagawa ang nasabing proyekto. “Itong proyekto na ‘to ‘yung lalong nagdikit sa ‘min. Sabi ko nga, tuwing trabaho lang kami nagkakasama. ‘Yung movie isang taon naming ginagawa kaya isang taon din kaming nagkakasama. Minsan okay, minsan hindi. Nagkaroon kami minsan ng mga usapan na, ‘Tiisin natin ‘to. Dapat maging professional tayo.’ Lalo naming pinahalagahan ‘yung trabaho,” nakangiting pahayag ni McCoy.

Aminado naman si Elisse na kinatakutan niya noong isang taon na baka hindi na sila suportahan ng mga tagahanga ng tambalang McLisse dahil sa paghihiwalay nila ng aktor. “Of course, hindi naman ‘yon mawawala especially before na nagkakaproblema. But at the end of the day, you’d also want to believe in yourself. Kasi siyempre  sino pa ang maniniwala sa sarili mo kung hindi ikaw mismo. Kailangan mong isipin na you’ll make it. Kailangan mo talagang magpursige para merong marating and para suportahan ka,” makahulugang paliwanag ni Elisse.

ELISSE JOSON MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with