^

PSN Showbiz

Kris at Gretchen may tapatan!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Kris at Gretchen may tapatan!
Gretchen

SEEN: Mabibigat ang mga akusasyon ni Gretchen Barretto laban kay Kris Aquino at sa businesswoman na si Alice Eduardo. Ina­abangan ang ibang mga rebelasyon ni Gret­chen tungkol kay Kris na inakusahan niya na nakikisawsaw sa mga nangyayari sa kanyang buhay. 

SCENE: Mga ho­nest sila ang parehong claim nina Kris Aquino at Gretchen Barretto kaya pinaniniwalaan ng publiko ang kanilang mga sinasabi kahit damaging ito sa reputasyon nila at sa ibang mga inosenteng tao na nadadamay sa kanilang word war. 

SEEN: Lalong naramdaman ang paglamlam ng showbiz career ni Christian Bables dahil sa effective portrayal ni Martin del Rosario kay Barbs, ang karakter na pinasikat ni Bables sa award-winning movie na Die Beautiful. Si Martin ang bida sa Born Beautiful na tinanggihan ni Bables. 

SCENE: Pang-adults only ang dialogues ng mga karakter sa Born Beautiful. Mahahalay ang mga mura at salita na ginamit sa pelikula kaya ito R18.

SEEN: Positive ang mga feedback sa She, ang make up line  ni Kris Bernal na magkakaroon ng grand launch sa February 2019.

SCENE: Magbibida si Edu Manzano sa Just A Stranger, ang bagong movie project ni Anne Curtis sa Viva Films. Co-star nina Edu at Anne sa Just A Stranger si Marco Gumabao. 

SEEN: Magaling sa Born Beautiful si Kiko Matos, ang love interest ni Martin del Rosario sa pelikula. Bigay na bigay si Kiko sa mga kissing scene nila ni Martin. 

SCENE: Si Arnold Vegafria na ang bagong manager ni Edgar Allan Guzman. Ang haka-haka na malaki ang impluwensya ni Shaira Diaz sa pagpapalit ni Edgar ng manager. Si Shaira ang inililihim na GF ni Edgar. 

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with