^

PSN Showbiz

Kim laging naka-back up kay Xian

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kim laging naka-back up kay Xian
Kim

You’d think na dahil sobrang busy si Kim Chiu sa kanyang mga project ngayon ay pababayaan na niyang mag-isa ang boyfriend niyang si Xian Lim sa mga ginagawa nito ngayon. Suportado at ipino-promote ni Kim ang pelikula ni Xian sa Viva na Hanggang Kailan. Kailangan ng malakas na tulak ng pelikula dahil first time nina Xian at ng dating Kapusong si Louise delos Reyes na magtatambal.

Bago ang Hanggang Kailan na palabas na sa February 6, tumulong si Xian sa promotion ng MMFF 2018 movie ni Kim na  One Great Love. Hindi naman niya pinabayaan ang aktres lalo’t nagbigay ito ng husto dahil first time ni Kim na gumawa ng mga maiinit na love scenes with her leading men, JC de Vera and Dennis Trillo. Naiintindihan naman ni Xian na isang bahagi ito ng kanilang trabaho na magpapakita ng professio­nalism at versatility ni Kim. Effective naman ang effort nila to promote the film, nagtagal ito sa mga sinehan. Hanggang sa mga huling araw ng pagpapalabas nito ay sinusugod pa rin ng manonood ang mga sinehang nagpapalabas ng movie. Ngayong nakatakda nang mapanood ang WH, time naman ni Kim na tulungan si Xian sa promo ng movie. Proud siya kay Xian na bukod sa pag-aartista ay matapang na ring sumubok sa pagsusulat at pagdidirek ng pelikula. Tanggap na ring isang mahusay na host ni Xian dahil sa paghu-host niya ng mga beauty pageants.

Sam dehado kina James at Billy 

Mapapasabak si Sam Concepcion kina James Reid at Billy Crawford sa isang concert na magaganap sa April 4 sa Araneta Coliseum. Bagaman at maituturing na dehado si Sam sa dalawa niyang kasamahan sa paramihan ng fans at supporters, hindi naman siya pahuhuli pagdating sa performance. Kumakanta din siya at sumasayaw at umaarte. James and Billy may have an advantage of having partners, Coleen Garcia for Billy and Nadine Lustre for James) pero, ang pagiging misteryoso ng lovelife ni Sam ay nagbibigay kulay din sa kanyang karera. After Jasmine Curtis Smith and Kiana Valenciano, is Sam far from finding the love of his life?

Katrina Suklay may solo concert na

Napaka-swerte naman ni Suklay Diva Katrina Velarde na maging guest sa first major concert niya no less than Gary Valenciano. Wala nang makakakumpleto ng concert niya kundi si Mr. Pure Energy na dati ay kinukuha siyang guest sa mga concert nito, pero, nabaligtad na ngayon ang pangyayari.

Ang anak ni Gary V na si Paolo Valenciano at ang paborito nitong musical director na si Mon Faustino ang magtutulong sa pagdidirek (stage and music) ng SiKat Ako concert na magaganap sa Kia Theater sa February 1. 

Anak ni Pokwang, may potential maging star

One year old na ang anak nina Pokwang at Lee O’Brian na si Malia na nagpapasaya hindi lamang sa kanyang mga magulang kundi maging sa kanyang kapatid na si Mae at maging ng buong kabahayan nila. Hindi malayong mag-artista din ito na hindi mapipigilan ni Pokwang dahil maganda ang anak niya at baka namana din nito ang talento nila sa pag-arte.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with