Marian at Mel
Marian nagsi-share ng biyaya kaya sinusuwerte
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

Mas maraming tulong sa kapwa, mas maraming balik ang matatanggap mo.

Ito ang nararanasan ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Recently lang she personally handed over sa GMA Kapuso Foundation ang kinita ng Celebrity Ukay-Ukay para makatulong sa proyekto ng Kapuso Foundation para sa mga bata.

Imbes na itago ang mga hindi niya ginagamit, ibinenta niya ito sa ginanap na GMA Celebrity Ukay-Ukay kung saan siya isa sa ambassadors sa Noel Bazaar last December.

 “Sabi ko talaga after nitong bazaar, kailangang maibigay ko ito kay Tita Mel  (Tiangco) ng buo. Kung ano ‘yung talagang binayad sa akin nung mga bumili, gusto ko talagang ibigay ng aktwal,” said Marian. Kasama sa mga nag-manage ng kanyang booth ay ang loyal fans niya na lalong nagpasaya sa preggy actress.

“Gusto ko rin siyempre na malaman nung mga bumili na nakapag-shopping na sila, nakatulong pa sila. At ang maganda niyan, lahat ng proceeds na ito ay mapupunta sa mga batang kapos-palad para makapag-aral,” she added.

Napabilib naman si GMAKF Founder and Ambassador Mel C. Tiangco. “I was amazed that she would take the effort to do that for the Foundation to come and join us in this journey, in this fight to alleviate the poverty, to alleviate ‘yung hirap ng mga kababayan natin.”

To donate to GMAKF’s projects, visit www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.

Make up artist and stylist, mas yumayaman pa kesa sa mga inaayusang artista

Grabe ang make up artist ngayon, sila ang pinaka-bongga ang talent fee.

Minsan pala, sa kanilang one day service, more than one hundred thousand daw ang talent fee nila.

Yup, as in ganun ka-expensive. Depende sa laki ng name nila. 

Definitely, mas mahal pa raw ang talent fee nila kesa sa ibang mga artista na beterano na at nag-aartista pa.

Aside from make up artists, isa pang grabeng ginagastusan ng mga artista ay ang stylist. Grabe rin kung managa ng presyo ang mga stylist na minsan naman ay parang pinaglalaruan lang ang mga artistang kanilang binibihisan, ‘yung tipong nag-experiment lang sila at sila lang nakaka-appreciate ng kanilang inayusan.

Kaya nga raw mas mayaman pa ang mga make up artist at stylist sa showbiz.

Imagine ang ibang artista nga naman, minsan walang naipon o walang naging investment kaya ang ending wala silang mga naipon.Pero ang mga make up artist and stylist, mas maraming naipon at mas nagiging influential pa.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with