Manny at Jinkee
Jinkee panatag na ang kalooban sa mga taong nakapaligid kay Manny
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

Ang cute ng mga kababayan natin. Basta may laban ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, talagang pinupuntahan nila para magbigay ng suporta, mapa-Amerika at Asia.

Ang nakakatuwa pa, kahit ang mga foreigner, tagahanga ni Papa Manny.

Saka mababait ang mga tauhan ni Papa Manny dahil walang nagbago. Kasama pa rin niya sina si Jayke Joson at Buboy Fernandez.

Basta may fight si Papa Manny, alagang-alaga nina Jayke at Buboy pero mapapansin mo ang closeness ng Pambansang Kamao at ni Papa Toby Tiangco.

Mag-BFF talaga sila, magkasanggang-dikit at lucky charm nila ang isa’t-isa. Good influence si Papa Toby kay Papa Manny.

Kung si Congressman Lito Atienza ang tatay-tatayan ni Papa Manny, si Papa Toby ang BFF niya.

Marunong pumili ng mga pagkakatiwalaan si Papa Manny, mga trustworthy at tunay na kaibigan ang mga nasa paligid niya kaya masaya at masuwerte siya.

Panatag ang kalooban ni Mama Jinkee Pacquiao dahil alam nito na mahal sila mula sa puso ng mga tao sa paligid nila, ‘di ba Bernard Cloma?

‘Sea of humanity’

At dahil first time ni Salve sa Las Vegas, nasabi niya na tulad pala sa New York at Paris parang hindi mo alam kung saan nanggagaling ang mga tao sa kalye.

Totoo nga na sobra ang traffic sa mga city ng New York, Paris, Tokyo at Las Vegas, traffic ng tao na talagang bumabangga kayo sa isa’t isa.

Ito ang isang bagay na naiiba kapag nag- travel ka, ang feeling na nasa gitna ka ng crowd ng tao, sea of humanity kaya nga si Salve, amazed na amazed.

Parang alam din ng lahat ng mga tao sa Las Vegas ang laban ni Papa Manny at ng American boxer na si Adrien Broner.

Mga school at universities consistent ang mga parangal sa PSN (Pilipino Star Ngayon)

Ang yabang-yabang ko dahil ang da­ming awards ng PSN mula sa mga awar­ding body ng mga school at universities.

Hindi biro na iboto ka as best tabloid ng mga estudyante at guro ng mga sikat na eskuwelahan tulad ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), De La Salle University, University of Perpetual Help System Dalta Las Piñas, at pasensya na sa mga hindi ko naalala. Hahaha.

Mabuti naman dahil napatuna­yan natin kay Papa Miguel Belmonte na nasa top condition ang staff ng PSN – Jo Abelgas (Managing Editor), Rowena del Prado (Metro Editor), Ellen Fernando (Probinsiya Editor), Ronnie Halos (Opinion Editor), ikaw Salve na Entertainment Editor, Jo Reducto (Libangan Editor) at Beth Repizo-Lacson (Sports Editor).

Kahit sino naman ay magiging proud sa karangalan na ibinigay ng mga award-giving body ng mga school.

Nais kong pasalamatan lahat ng nagbigay sa atin ng award dahil kabilang ako sa staff/pioneer colum­nist ng PSN.

Congrats sa lahat at thank you Papa Miguel sa tiwala. Saka na kami hingi ng bonus, joke lang!

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with