Maris
Maris dream makipag-collab kay Rico
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

Maganda ang pasok ng taong 2019 kay Maris Racal dahil kabi-kabilang proyekto ang kanyang ginagawa. Bukod sa pag-arte ay gusto ding pagbutihin pa ng dalaga ang pag-awit at pagsulat ng mga kanta. “This year gusto ko pa mag-focus sa self ko. Dream ko talaga ma-establish pa ang music ko. Gusto ko pang makatrabaho ‘yung ibang magagaling na musician na gusto kong makatrabaho. ‘Yung sa akin more on writing po. Dream ko talaga maka-collab (collaborate) si Rico Blanco. Na-meet ko lang siya, pinarinig ko sa kanya mga songs ko,” nakangiting kwento ni Maris.

Dapat daw pakaabangan ng mga tagahanga nina Maris at Iñigo Pascual ang isang bagong pelikulang pinagtatambalan ng MarNigo. Si Boy 2 Quizon ang direktor ng proyektong ito. “Abangan n’yo po ‘yung ‘I’m Ellenya L’, sobrang maaaliw kayo, ang daming surprises. May isu-shoot pa ulit (na ibang eksena). Maganda siya talaga, ‘yung magagandang bagay, it really takes time. Panoorin n’yo ‘yung pelikula para mag-blossom ‘yung pagtatambal namin ni Iñigo sa pelikula,” pagbabahagi ni Maris.

Samantala, kapansin-pansin ang pagkakaroon ng dalaga ng magandang pangangatawan. 

Ayon kay Maris ay talagang puspusan ang ginagawa niyang pagwo-workout sa gym. “Lagi po akong nagwo-work out. Dream ko lang maging fit, ‘yon lang,” pagtatapos niya. 

Pokwang, pinag-practice ang partner sa manyika sa paglalagay ng diaper 

Kahapon ay nagdiwang na ng unang taong kaarawan ang anak nina Pokwang at Lee O’Brian na si Malia. Ibang klaseng kaligayahan umano ang naidudulot ni Malia sa kanilang buong pamilya ayon kay Pokwang. “For 22 years ‘yung buhay namin, masaya naman. Ngayong may bagong baby sa bahay, mas lalong sumaya. Parang napakagaan lahat sa bahay. Hindi ka na madaling mairita. Lahat tawang-tawa lang sa kanya, lahat nag-uunahang kargahin siya. Iba ‘yung happiness na dala niya sa bahay. And hindi lang sa amin, especially sa moms na kaedad ko na nangangarap na magkaanak pa, na wala pang baby. ‘Yung iba nagkakaroon ng pag-asa ‘pag nakikita nila si Malia,” paliwanag ng aktres.

Isang malaking hamon kay Pokwang ang magkaroon ng dalawang anak na babae na dalawampu’t dalawang taon ang pagitan ng edad. 

Dalaga na ngayon si Mae Subong na panganay na anak ni Pokwang sa dating nakarelasyon. “Sabi ko, ‘Marunong pa ba ako mag-alaga?’ Kasi nga 22 years na, pero ‘pag nanay ka talaga, nando’n ang instinct eh. Siya (Lee) sabi ko, ‘You should practice how to put diaper.’ Meron kaming manika sa bahay na pinagpa-praktisan niya,” natatawang kwento ni Pokwang.

MARIS RACAL POKWANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with