^

PSN Showbiz

Ethel nagiging Vice ‘pag kumakanta

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Ethel nagiging Vice �pag kumakanta
Ethel

SEEN: Bago pa nakisali si Atty. Jesus Falcis sa away ng kanyang kapatid na si Nicko at ni Kris Aquino, naging kontrobersyal na siya noong 2018. Si Falcis ang isa sa mga nagsulong ng legalization ng same sex marriage sa Pilipinas. Napatunayan si Falcis na guilty sa bintang na direct contempt of court dahil sa hindi niya pagsusuot ng proper attire sa preliminary conference na ginanap sa Supreme Court noong June 5, 2018.

SCENE: Si Vice Ganda ang gay version ni Ethel Booba sa pagkanta dahil pareho sila na mula sa puso ang pag-awit kapag kumakanta.

SEEN: Mas pinaghahandaan ni Vice Ganda ang mga outfit na isusuot niya sa three-night concert nila ni Regine Velasquez sa Smart Araneta Coliseum sa February 14, 15 at 16. Nagpapasalamat sina Vice at Regine dahil malakas ang benta ng tickets para sa Valentine concert nila.

SCENE: Mystified ang pamagat ng iFlix movie nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle at Dia­na Zubiri. Ang tatlo ang bida at producers ng Mystified.

SEEN: Umuwi ng Iloilo si Prince Stefan para dalawin ang tiyo na nagpalaki at nag-alaga sa kanya bago siya pumasok sa showbiz. Hindi nakakalimot si Prince na tumanaw ng utang na loob sa lahat ng mga tao na nakatulong sa kanya, lalo sa panahon na may mga pagsubok siya na pinagdaraanan.

SCENE: Makikisaya sa Sinulog Festival ng Cebu City sa Linggo, Janua­ry 20, ang mga artista ng Inagaw na Bituin, sina Kyline Alcantara at The­rese Malvar. May mall show sina Kyline at Therese sa Gaisano Grand Mall Jai Alai ng 3 pm at tutuloy sila sa Kapuso Fiesta sa Ayala Center Cebu para sa kanilang 6 pm guesting.

SEEN: Nagpapasalamat si Xian Lim dahil natupad ang pangarap niya na maging basketball player. Umuwi ng Pilipinas si Xian dahil sa kagustuhan niya na makapaglaro ng basketball pero pinalad siya na maging artista.

SCENE: Si Marion Aunor ang kumanta ng theme song ng Hanggang Kailan, ang pelikula nina Xian Lim at Louise delos Reyes kaya kasama siya sa lahat ng mga mall show. Mula sa album ni Marion ang kanta na ginamit na theme song sa upcoming movie ng Viva Films.

vuukle comment

ETHEL BOOBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with