Ka Tunying
Negosyo nina Anthony at Rossel ‘di na mapigilan ang paglago
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

Hindi na talaga mapipigilan ang patuloy na paglago ng mga negosyong itinatag ng mag-asawang Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna na ka­ma­kailan lamang nagbukas ng kanilang ika-walong branch ng Ka Tunying’s na matatagpuan sa ground floor ng  North Towers ng SM North EDSA. Nariyan pa ang itinayong events company ni Rossel, ang Outbox Media which also produces concerts featuring major artists.

Ang payak na pinagmulan ng mag-asawang Anthony at Rossel ay siya nilang naging inspirasyon para mapaangat ang kanilang buhay at ng kanilang  mga mahal sa buhay.

Anthony turned 44 last January 16 na siya ring petsa ng pagbubukas ng kanilang bagong branch sa SM North EDSA.

Sa kabila ng pagiging busy ni Ka Tunying (Anthony) sa kanyang pagiging TV and radio journalist – ang daily hosting job sa morning show na Umagang Kay Ganda on ABS-CBN at bilang radio anchor ng Dos por Dos nila ni Gerry Baja on DZMM, hands-on siya sa kanilang family business, pagiging husband ni Rossel at doting father sa kanilang dalawang anak na sina Zoey (10) at Helga (9).

Samantala, naibalita sa amin ni Tunying na magkakaroon din umano sila ng branch sa Tagaytay within the year at nasa proseso na rin ang kanilang pagga-grant ng franchise ng Ka Tunying’s sa taon ding ito.

Xian at Louise ‘di pa close nang magpunta sa Japan

Sina Xian Lim at Louise delos Reyes ang mga pangunahing bituin ng pre-Valentine offering ng Viva Films, BluArt Productions and XL8, ang Hanggang Kailan na dinirek ang director-producer na si Bona Fajardo na siya ring nagdirek ng mga pelikulang I Found My Heart in Santa Fe na pinangunahan ng dating magkasintahang Roxanne Barcelo at Will Devaughn, ang Kahit Ayaw Mo na tinatampukan nina Empress Schuck, Kristel Fulgar at Andrea Brillantes. Siya rin ang nagdirek ng indie movie na Iliw.

Majority of the scenes ng pelikulang Hanggang Kailan ay kinunan sa Saga, Japan na first time narating nina Xian at Louise.

During the presscon ng movie, inamin ni Louise na hindi pa sila gaanong magkakilala ni Xian nang sila’y umalis patungong Japan for the shoot. Since four hours ang travel time from Manila to Japan, doon lamang na-break ang ice sa kanilang pagitan dahil magkatabi sila ng upuan. Kaya pagdating ng Saga ay pareho na silang handa sa kanilang mga eksena nang wala nang ilangan.

Sina Xian at Louise ay parehong nasa panga­ngalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) ma­nage­ment. Si Xian ay dating nasa bakuran ng Star Magic habang dating nasa GMA-7 naman si Louise.

Pelikula nina Xian at Enchong inaabangan kung sino ang mas kikita!

Sabay ang showing on February 6, 2019 ang Hanggang Kailan nina Xian at Louise at ang pelikulang Elise na pinagbibidahan nina Enchong Dee at Janine Gutierrez mula sa pamamahala ni Joel Ferrer under Regal Entertainment.

Nagiging possible ang pagsasama-sama ng ta­lents na nagmumula sa magkakaribal na TV network sa pelikula dahil wala silang restrictions pagdating sa paggawa ng movie unless naka-exclusive sila sa ibang film outfits tulad ng Star Cinema, Regal Films at Viva Films, tatlo sa mga major film companies na aktibo pa rin sa pagpu-produce ng mga pelikula hanggang ngayon habang ang ibang movie companies ay pasulput-sulpot lamang kung gumawa ng movie.

Samantala, alin kaya sa dalawang pelikulang Elise at Hanggang Kailan na sabay na magbubukas sa mga sinehan on February 6 ang mas papatok sa takilya?

ANTHONY TABERNA AND ROSSEL VELASCO-TABERNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with