Usapin tungkol sa franchise ng Miss U, ‘di pa rin tapos
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

Nasa pre-pageant kami ng Miss Intercontinental na ginanap sa Okada nung kamakalawa ng gabi, at napapag-usapan ang pagkakuha ng dating Ilocos governor Chavit Singson ang franchise ng Miss Universe.

Ilang designers ay nagtatanung-tanong na kung sino ang kakausa­pin nila para makasali sila sa pagpapabihis sa Miss Universe Philippines.

Doon na rin napapag-usapan na baka pati raw itong Miss Intercontinental ay aalis na rin sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. ni Stella Marquez-Araneta.

Nung nakatsikahan din namin si Ariella Arrida sa opening ng Ka Tunying’s sa SM North Tower ay sinabi rin niyang wala na nga raw kay Madam Stella ang Ms. Universe.

Nakaramdam din daw siya ng lungkot dahil nakasanayan na nating sa Bb. Pilipinas na talaga ang Ms. Universe. Kaya hindi raw niya maisip kung paano malalagpasan ni Madam Stella ang separation anxiety niyan.

Ang narinig naming hahawak nito ay ang grupo ni Jonas Gaffud ng Empire, na tinapatan naman ni Rodgil Flores na siyang may hawak naman ng Miss Intercontinental na nakatakda ang Coronation night sa January 26 sa SM MOA Arena.

Samantala, sa pre-pageant ng Miss Intercontinental, nagkaroon ng Swimsuit competition at napanalunan ito ng kandidata ng Paraguay na si Gabriela Natasha Soley Saw Kiw. Siya rin ang napiling Ms. Playa Calatagan, at isa sa mga early favorites.

Naka-2 thousand US dollars naman ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Gallman.

Siya ang napiling H&H Standout Beauty, nakuha rin niya ang Fiber Health Body Beautiful, at tig-1 thousand US dollars ang premyo doon.

Nakakatuwa pa dahil kaagad na binibigay ang premyo sa kanila pagkatapos itong i-award sa kanila.

Kiko naduwal sa halikan nila ni Martin

Mamayang gabi naman ay ipalalabas ang uncut version ng Born Beautiful ni Martin del Rosario na dinirek ni direk Perci Intalan.

Matagal nang sold-out ang tickets ng special screening nito dahil may mga ilang eksena talagang tinanggal para mabigyan ng R 16.

Maaring natanggal ang ilang kissing scenes dahil ang dami raw talagang laplapan sina Martin at Kiko Matos, at ganundin kay Akihiro Blanco.

Sabi ni Kiko, halos naduwal-duwal na raw siya sa mga halikan nila ni Martin, pero hindi na lang niya pinahalata para matapos lang.

Siyempre sa eksena dapat ipakita raw niyang mahal na mahal niya si Martin kaya tinodo na niya ang halikan.

“Kailangan mong pumasok sa buhay nung karakter. Kailangan ma-appreciate mo yun. Pero ngayon, kung iisipin ko yun, para akong naduduwal na,” natatawang kuwento ni Kiko.

“Yung sa huling scene na ang dami naming kissing scene, gumaganun na ako na parang naduduwal pero hindi ko pinakita kasi gusto ko nang matapos na, ayoko na maulit,” dagdag niyang kuwento.

Naging honest lang daw siya, pero at least naipalabas naman daw sa movie kung gaano ka-intense ang love niya kay Martin.

Ganundin si Akihiro na buong akala raw niya minsan lang ang halikan, pero napakadami raw pala.

Kaya iniisip na lang daw niya lasang Toblerone ang halikan nila ni Martin, kaya tinodo na rin niya.

Hindi lang naman halikan ang mapapanood sa movie, na proud naman daw silang kaya nilang tapatan ang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros.

In fairness naman kay Paolo, suportado naman niya itong Born Beautiful ni Martin. Di lang ako sure kung dadalo siya sa special screening mamayang gabi.

MISS UNIVERSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with