Sikat na aktres tuloy ang paghahabol, laging bitbit ang male-maletang dokumento
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

Hanggang ngayon pala ay bukambibig pa rin ng isang pamosong aktres ang paghabol sa mga taong nangwasak diumano sa kanyang buhay at mga pangarap. Kundi raw dahil sa mga taong ‘yun ay napakaganda sana ng kanyang career ngayon.

 

Matagal nang usapin ito, marami nang nilapitang abogado ang kilalang female personality, pero palagi siyang nabubutata.

Kuwento ng aming source, “Ang dami-dami niyang hawak na dokumento, male-maleta. Kapag may kausap siyang lawyer, e, kailangan niyang magsama ng magdadala ng mga ‘yun dahil napakabigat!

“Grabe, kung anu-anong documents ang hawak niya, ‘yun daw ang magpapatunay na talagang puwede niyang idemanda ang mga taong sumira sa buhay niya at career.

“Pero palagi siyang barado. Kapag binabasa na ng kaharap niyang abogado ang mga papeles, e, isa lang ang sinasabi sa kanya,” pabitin pang kuwento ng aming impormante.

Sa sangdamakmak na dokumentong hawak ng female personality ay malinaw ang nakalagay du’n na wala na siyang kahabul-habol sa mga taong pinagbibintangan niyang nagnakaw sa kanyang mga pangarap.

“Paano, nandu’n ang dokumentong nagsasabi na tumanggap na pala siya ng datung sa hinahabol niya. Nagkaroon na pala sila ng amicable settlement, malaking amount na pala ang tinanggap niya!

“Paano pa siya maghahabol at magdedemanda, e, pumayag na pala siyang bayaran ng taong ‘yun ang asuntong sinasabi niya? Pero ang sabi ng girl, e, hindi raw naman sa kanya napunta ang big amount na nasa document, ‘yung taong umayos daw sa kanila ang nagkapera at hindi siya.

“Ang lahat ng nakakausap niyang abogado, e, isa lang ang tanong sa kanya, ‘Kung hindi ka nakinabang sa ibinayad nu’ng tao, bakit ka pumirma? Pangalan mo ang nandito, ikaw ang tumanggap ng amount, pirmado mo!’

“’Yun lang at sasabihin na ng kanyang kaharap na sorry, magagastusan lang siya, e, mapapagod pa nang husto, dahil malinaw ang nakalagay sa mga papeles, bayad na siya, ‘yun lang!” napapailing na kuwento ng aming source.

Ubos!

BID kinakalkal pa ang mga ginawang trabaho ni Tony Labrusca na walang permit

Hindi pa sarado ang kontrobersiyang kinapapalooban ni Tony Labrusca nang makipagtalo siya at magtatalak sa harapan mismo ng mga opisyal ng Immigration.

Binubusising mabuti ng ahensiya ang pagtatrabaho niya sa bansa mula nu’ng 2016 hanggang nang gawin niya ang pelikulang Glorious, pinag-aaralang mabuti ng BID ang mga nakaraan niyang paglabas sa pelikula at telebisyon nang walang working permit, ‘yun ang naging resulta ng pagpapadala ng aktor sa kanyang emosyon nang bigyan lamang siya nang 30 days na pamamalagi sa bansa.

Ayon sa aming source ay maiaayos lang ang kaso ni Tony kung mag-a-apply siya ng dual citizenship, ‘yun lang ang tanging pa­raan, para malaya siyang makapagtrabaho dito sa atin.

American citizen si Tony Labrusca, ‘yun ang hawak niyang passport-visa, pero mas matagal siyang namalagi sa Canada sa piling ng kanyang ina.

Sabi ng aming source, “Maluwag pa nga tayo dito kung tutuusin, kung sa ibang bansa lang ginawa ni Labrusca ang pagtataas ng boses sa mga Immigration offi­cers, e, denied entry na agad siya!

“A to A ang aabutin niya! ‘Yung magkapatid na Montero, sina Troy at KC, malaki ang binayaran nila nu’ng ipatawag sila ng BID. Nagtatrabaho sila nang walang working permit, tourist ang status nila.

“Pero nakipag-ayos sila, sumunod sila sa batas ng Immigration, hindi sila nakipagsagutan, nababaitan sa kanila ang mga nag-handle ng problema nila,” kuwento ng aming kausap.

Hindi puwedeng gamitin ang pagiging artista sa ganitong sitwasyon, walang pinapaboran ang batas, ang kailangang gawin ngayon ni Tony Labrusca ay ang mag-apply siya ng dual citizenship para malaya na siyang makapagtrabaho dito sa atin.

Nandito ang kanyang karera, wala sa America at sa Canada, kaya kung saan siya kumikitang bansa ay kailangan niyang makipagkita sa gitna ng mga batas na pinaiiral ng bansang pinagkakakitaan niya.

Ganu’n lang kasimple ‘yun.

TONY LABRUSCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with