Xian gumagaan ang pinagdaraanan dahil kay Kim
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

Ibang klase raw ang pinag­daan ni Xian Lim noong nagsisimula pa lamang niyang ligawan si Kim Chiu. Matagal-tagal na ring magkasintahan ang dalawa ngayon. “Naalala ko pa ang exact day, napanaginipan ko siya and I woke up and sabi ko mahal ko na itong taong ito. Even when we were starting out, ang dami ng tao sa paligid na, ‘Huwag mong ipu-pursue dahil hindi ka magugustuhan niyan. Ayaw ka namin sa kanya.’ But susundan mo lang talaga ‘yung nararamdaman ng puso mo. Hindi man sa love life but mapa-career man ‘yan o kahit anong pagsubok sa buhay, sundan mo lang ang puso mo,” kwento ni Xian.

 

Malaki ang pasasalamat ng aktor kay Kim dahil napagagaan umano ng dalaga kung ano man ang mga pinagdadaanang pagsubok sa buhay ni Xian. “It always helps na may mga tao sa paligid n’yo na that’s going to lift you up even if you feel na parang wala na, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. But there’s that one person, your family, your loved ones, your girlfriend, your boyfriend basta nandyan lang sila. Sabi nga nila I’d rather have four quarters than one hundred pennies,” makahulugang pahayag ni Xian. “We’ve overcome so many obstacles already. Sabi ko nga kung kasalanan magmahal then makasalanan akong tao. Then I’m a sinner, I just wanted to share because it feels good na after so many years, okay lang po kami, masaya po kami. Masaya lang na we are just enjoying everything right now,” dagdag pa ng aktor.

Maymay, naintindihan na ang inang OFW

Kamakailan ay nakapagbakasyon si Maymay Entrata sa Japan kung saan namamalagi ang ina na isang OFW o overserseas Filipino worker. Ito ang kauna-uunahang pagkakataon na nakapag-bonding ang mag-ina sa Japan. “May half-brother din po ako doon kaya first time na nakumpleto kami,” nakangiting bungad ni Maymay.

Ayon sa baguhang aktres ay ibang kaligayahan ang dulot na makasama ang kanyang mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa. “Sobrang blessed ako, masasabi ko talaga na masaya ako na napagdesisyunan ko at ginawan ko ng paraan na makauwi ako sa Japan. Kasi noong 2018, lahat ng mga blessings na natanggap ko, ‘yung work as an artist, minsan masarap sa feeling. Parang refreshed ka na babalik ka sa pamilya mo. Siguro ngayon mas naintindihan ko na ang sitwasyon, ang sakripisyo ng mama ko para sa amin na mapalayo siya sa pamilya ko para lang matustusan kami. Kaya ngayon na ako na ‘yung nagtatrabaho at tumutulong na din ako sa mama ko, parang pare-pareho lang na gano’n. Masakit pero kailangan mong magtrabaho para sa pamilya mo,” paliwanag ng dalaga.

XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with