Mga senior citizen nagdurusa sa pila sa Immigration!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

Okey sa akin ang traffic dahil sabi ko nga, wala nang magagawa. Kesa mag-complain tayo, live with it na lang.

 

Kapag traffic, nagpi-people watching ako, tini­tingnan ko ang paligid at madalas, nasa gitna ako ng traffic kapag marami akong mga post sa Instagram account ko.

Imbes na mainip o mairita ako sa traffic, ang Instagram ang hinaharap ko. Mas matagal ang traffic, mas marami ang mga post ko pero magrereklamo talaga ako sa mahabang pila sa Ninoy Aquino International Airport noong Miyerkules.

Kaloka ang haba ng pila na nakatayo ka at kung nasa labas ka pa ng NAIA, napakainit ng sikat ng araw. Kung umuulan naman, siguradong mababasa ka.

Hindi ko maintindihan ang mahabang pila sa NAIA sa check in at immigration counter.

Imagine, dusa talaga kung senior citizen ka na nakapila at nakatayo ng halos isang oras sa Immigration.

Talagang gusto ko nang gumamit ng wheelchair para at least nakaupo ako habang nasa pila.

Kapag nasa Immigration ka pa naman, hindi puwedeng gumamit ng Instagram, makipag-usap sa phone o magbasa.

Waste of time ang pila. Grabe talaga. Kawawa ang mga senior citizen at ito talaga ang reklamo ko.

Okey na sa akin ang traffic dahil nakaupo ako sa loob ng sasakyan pero ang mahabang pila, kawawa talaga ang mga pasahero.

Sana magawan ng paraan at malutas ng NAIA authorities ang problema tungkol sa long lines dahil less pila, less pagod. Dapat gawin sa NAIA ang one stop shop project ng gobyerno para makuha ng mga pasahero sa iisang lugar ang mga kailangan nila sa biyahe.

Pagkapanalo ni Pacquiao, pinagdarasal

Noong January 16 ang 60th birthday ni Sandy Andolong pero bukas, January 19, ang birthday cele­bration niya.

Ang kanyang mister na si Christopher de Leon ang may gusto na ipagdiwang ni Sandy ang pagiging senior citizen nito at ang kanilang anak na si Mariel ang punong-abala.

Sayang, hindi ako makakadalo sa birthday party ni Sandy dahil nasa Las Vegas ako para panoorin ang laban ni Papa Manny Pacquiao kay Adrien Broner sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

Ipinagdarasal ko talaga na manalo si Papa Manny para masaya uli ang Pilipinas dahil tagumpay ng bayan ang victory niya.

Excited na ako sa pagkikita namin ni Jinkee Pacquiao na nag-promise na bibigyan ako ng tickets.

Siyempre, sure na magkikita kami ni Papa Toby Tiangco na always present sa lahat ng mga laban ng Pambansang Kamao.

Live na mapapanood sa Pilipinas ang Pacquiao-Broner fight sa Linggo nang umaga sa GMA 7.

Naririto na rin sa Las Vegas ang mga powerful women ng Kapuso Network na palaging nagbibigay ng moral support sa lahat ng laban ni Papa Manny.

Rossel endorser na rin

Hindi na maabot si Rossel Taberna, ang very pretty wife ni Anthony “Ka Tun­ying” Taberna at masipag na may-ari ng Ka Tun­ying’s.

Endorser na rin si Rossel ng Kamiseta, ang beauty and skin clinic sa Ayala The 30th ng BFF ko na si Cris Roque.

Makakasama ni Rossel bilang beauty ambassadress ng Kamiseta ang misis ni Alfred Vargas na si Yasmine.

Hindi nagkamali si Mama Cris na kunin na endorser si Rossel na beautiful, inside and out. 

 

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with