Kalat agad-agad Carlo mas pinili ang non showbiz girl kesa kay Angelica?!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

So nasagot na ang mga hugot at hinaing ni Angelica Panganiban. Kumalat sa social media kahapon na may ibang kasamang babae ang akala ng lahat ay nakabalikan ng actress na si Carlo Aquino.

 

Yup as in kalat na agad ang nasabing photos na sinasabing kuha sa La Union na kasama ni Carlo at ang sinasabing non showbiz girl pero hindi masyadong malinaw ang picture. “Ngayon lang ako nasaktan. Tapos, na appreciate ko. Kasi, nasasaktan na ko ulit. Totoong nagmamahal na ko. ULIT!!! MAGDIWANG!”

“Iiyak na sana ko. Kaso, naisip ko,,, angge? Naiiyak ka on your own?” ilan sa mga naunang tweet ni Angelica.

Pero wala naman sinabi ang nagkuwento kung magkaano-ano nga si Carlo at ang babae sa picture.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-emote si Angelica tungkol sa umano’y na­ging kapalaran ng kanyang puso ngayon.

Lovi nanguna sa mga manonood sa Vegas

Oh parang hindi naman true ang sinasabi nilang walang excitement ang labanang PacMan and The Problem na magaganap sa Linggo.

Marami na ang mga Pinoy sa Las Vegas na galing ng Manila at marami rin ang mga nanggaling sa iba’t ibang State sa Amerika na dumagsa sa Las Vegas para sa inaabangang bakbakan nina Manny ‘PacMan’ Pacquiao at Adrien ‘The Problem’ Broner kung saan idedepensa ni Pambansang Kamao ang WBA Welterweight title laban sa former four-division world champion this Sunday, January 20 na mapapanood sa GMA Network, in partnership with Gerry Pens Promotions, Inc.

Mapapanood din ang Pacquiao versus Bro­ner’ via satellite on GMA-7 beginning 10 AM.

Meron din silang exclusive blow-by-blow coverage ng fight na eere sa DZBB 594 at sa lahat ng Super Radyo stations nationwide from 9 AM to 1 PM.

Gaganapin ang laban sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas at so far wala pa kaming nakikitang pulitiko nang maglakad-lakad kami kahapon sa lugar na paggaganapan ng laban.

Si Lovi Poe ang isa sa mga artistang nakita namin sa social media na nag-post kasama ang Pambansang Kamao.

Baka today lang magdadatingan sa Las Vegas ang mga kaibigang pulitiko ng boxing champion.

Eight-division world champion si Sen. Pacman, na may hawak ng 60-7 record including 39 knockouts and 2 draws.

CARLO AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with