James, Billy at Sam
James kabado na sa showdown nila nina Billy at Sam
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2019 - 12:00am

Kaabang-abang ang concert na pagsasamahan nina James Reid, Sam Concepcion at Billy Crawford na gaganapin sa April 4 sa Araneta Coliseum.

Ngayon pa lamang ay sobrang kinakabahan na raw si James dahil makakasama niya sa concert ang dalawa sa kanyang mga iniidolo sa industriya. “I’m nervous. I’m performing with two of my idols, it’s crazy. This is going to be big. We all have something to bring to the table,” pahayag ni James.

“It’s going to be a great, great, great opportunity for us three to actually jive together. It will be a great opportunity and privilege for me para makasabay sa dalawang bagets na ito. Para matuto rin sila kung paano ‘yung matatanda gumalaw. We all learn from each other,” naka­ngiting pahayag naman ni Billy.

Aminado si Billy na nagsisilbing threat sa kanya si Sam dahil sa pagiging magaling din nito sa pagsasayaw at pagkanta. “Si Sam is multi-talented. The boy can act, can sing, can dance. Nakaka-threaten siya ng mga male performers,” pagtatapat ni Billy.

Iza nagpaliwanag kung bakit sobra ang iyak sa kasal

Nagpakasal noong December 19, 2018 sina Iza Calzado at Ben Wintle sa isang beach sa Palawan. Makikita sa wedding videos ng mag-asawa na sobrang naging emosyonal ang aktres. Isa sa mga dahilan ng pag-iyak ni Iza ay dahil sa pumanaw na mga magulang na kanyang naalala. “When it comes to my dad, it’s something he really wanted to do, to walk down the aisle. You know, na-miss ko ‘yon. I wish they could be here, ‘di ba? By that time na nakapag-welcome dinner na, ang saya na, ang taas na ng love sa air. ‘Yung energy sobrang good vibes pero may kulang hindi ba? Kahit na anong gawin mo hindi mo sila maibabalik eh. So parang siguro ‘yun ‘yon, it sucks that they’re not there,” paliwanag ni Iza.

Maging ang ina ni Ben ay naging dahilan din ng pag-iyak ni Iza dahil sa ibinigay na regalo nitong pulseras. “Iyakan kami. It was a nice touching moment. She told me naman before that she wants to be called mom. I felt like I have a new mom. Ang daming moment, tapos biglang dumating sina Tedy at Gideon, sila ang gumawa ng bouquet, tapos ibinigay sa akin ‘yung bouquet, ang ganda tuwang-tuwa ako. Tapos sabi nila buksan ko ‘yung locket. Picture ng mga magulang ko, giba na naman ako,” kuwento ng aktres.

Samantala, napaiyak muli si Iza dahil sa dalang sorpresa ni Sunshine Dizon na isa sa matalik niyang kaibigan. “Just to clarify, what happened was before my mom died, she pawned a couple of pieces of jewelry. We were strapped for cash, wala kaming pera, nagsanla. Sabi ko, ‘Ga, wala akong perang pangtubos nito, ikaw na lang ang tumubos, sa iyo na.’ Parang I basically sold it to her and she did, then I forgot about it. She said na may nawalang pieces. So akala ko nawala lahat, tapos nagsisi ako na bakit hindi ko binili lahat. Akala ko nawala, ‘yun pala may natira, natira ‘yung bracelet tapos binigay niya sa akin,” pagdedetalye ng aktres.

JAMES REID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with