^

PSN Showbiz

Enchong muntik maging teacher

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Enchong muntik  maging teacher
Enchong

SEEN: Kung hindi naging artista si Enchong Dee, gusto niya na maging teacher dahil sa kanyang pangarap na maturuan ang mga kabataan na pag-asa ng bayan. Si Enchong ang leading man ni Janine Gutierrez saElise, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na showing sa February 6.

SCENE: Nilinaw ni Janine Gutierrez na drama series at hindi action fantasy ang Dragon Lady, ang bagong afternoon television series ng GMA 7 na pagbibidahan niya. Si Janine ang lead actress ng Dragon Lady.

SEEN: Ang plano ng mga artista na kaibigan ni Kris Aquino na bigyan ito ng warm welcome sa pagbabalik niya sa Pilipinas bilang pagpapakita ng suporta sa kanyang laban kay Nicko Falcis. Kagabi ang expected arrival ni Kris mula sa pagpapagamot niya sa Singapore.

SCENE: Kahapon ang 44th birthday ng broadcast journalist na si Anthony Taberna. Isinabay sa birthday celebration ni Ka Tunying ang pagbubukas sa North Towers ng SM North Mall ng ika-walong branch ng Ka Tunying’s, ang restaurant business nila ng kanyang misis na si Rossel Taberna.

SEEN: Special guest sa grand opening kahapon ng Ka Tunying’s ang former Bb. Pilipinas-Universe na si Ariella Arida. Co-host si Ariella ng Umagang Kay Ganda, ang morning show ng ABS-CBN. Ang maging regular co-host  ng UKG ang dasal ng da­ting beauty queen.

SCENE: Ang asawa ni Lea Salonga na si Rob Chien ang original choice para makasama ng singer-actress sa television commercial ng isang popular bank. Hindi tinanggap ni Rob ang offer dahil mahiyain siya kaya ipinalit sa kanya si Gerard, ang kapatid ni Lea.

SEEN: Ginanap kagabi sa Okada Manila ang swimsuit at evening gown ng 47th Miss Intercontinental. Tumanggap ng malakas na palakpak ang Philippine bet na si Karen Gallman dahil pinag­handaan niya ang event.

vuukle comment

ENCHONG DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with