^

PSN Showbiz

Jolo may bago nang girlfriend?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Jolo may bago  nang girlfriend?!

Kasama rin kami ng mga netizen na nagtatanong kung GF ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang babaing kasama nila sa litrato sa birthday ng anak ni Jolo na si Gab Revilla.

Sa photo na pinost ni Jolo, makikitang katuwang ni Gab ang magandang babae na may pangalang Angelica Alita, pero ang nakapangalan sa Instagram (IG) account ay Angel Tripp.

Mababasa rin ang post nitong, “We love you @gab_revilla” at ang sagot ni Gab na “@angelicaalita love u too.”

Kasama rin nina Jolo, Gab, Bacoor Mayor Lani Revilla at Bong Revilla si Angel Tripp nang pumunta sila sa Camsur Albay sa birthday treat pa rin nila Bong sa kanilang apo. Bumisita sila sa tomb ni Sec. Robredo at kasama sa biyahe nila ang #PasasalamatCaravan.

Pati si Lani, tinanong kung GF ni Jolo ang magandang babae, kaso hindi rin sinagot ni Lani ang tanong. In the days to come, malalaman din natin kung ano ang relasyon ni Jolo kay Angel Tripp.

Lea sasamahan si Josh Groban sa concert

Ang announcement ng Ovation Productions na “Jumpstarting 2019 right! Tony Award-winner and Broadway star @MsLeaSalong will now be joining the supremely talented @JoshGroban for his post-Valentine concert, Bridges Tour Live in Manila.”

“We are pleased to announce that Ms. LEA SALONGA will be special guest at the JOSH GROBAN concert on February 22, 2019 at the Mall of Asia Arena.”

December 17, pa raw nilabas ang tiket sa post-Valentine Manila show ni Josh Groban na by this time, marami na ang nakabili at manonood ng concert kahit may kamahalan.

Derrick at Kim susubukan  ang comedy

Ang magandang balita, tuloy na ang pag-a-active muli ng GMA Films at tampok sa comedy movie sina Derrick Monasterio at Kim Domingo. May pamagat na Kambal, Karnabal ang pelikula sa direction ni Adolf Alix, Jr. Bida rin si Super Tekla, Jo Berry, Kiray Celis at ang dinig namin, pati ang That’s My Bae ng Eat Bulaga.

Ang balita pa nga, kasama si AiAi delas Alas, pero wala ang pangalan niya sa cast. Baka sa next project na siya kasama dahil ang dinig namin, pinaplano na rin ang second movie ng GMA Films at may cast na sila.

vuukle comment

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with