^

PSN Showbiz

Dating showbiz couple, magkapatid na lang ang turingan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pambababae ng aktor, aprub kay aktres

May mga impormanteng naniniwala na parang magkapatid-magkaibigan na lang ang relasyong namamagitan sa isang pamosong aktres at sa isang male personality.

Kapag may nagtatanong sa female personality kung gaano na kalalim ang pagmamahalan nila ng lalaking personalidad ay isa lang ang kanyang sinasabi. Magkaibigan lang sila nito.

Pero maraming nagtataka, kung magkaibigan na nga lang sila ay bakit hindi pa rin sila naghihiwalay, samantalang pamilyado ang lalaking personalidad? Bakit silang dalawa pa rin ang magkasama sa isang bubong sa pinakamahabang panahon?

Pero pagkontra ng isang source, “Mukhang totoo nga ang sinasabi ni ____(pangalan ng kilalang female personality), magkaibigan na nga lang siguro sila ngayon, tapos na ang relasyon nila!

“Parang bestfriends na lang siguro sila ngayon, kasi, kapag wala sa tinitirhan nila ang girl, e, nagdadala du’n ng babae ang male personality!

“Kung meron pa silang relasyon, e, puwede ba namang mangyari ang ganu’n? Maraming nakakakita sa male personality na may kasamang babae sa mismong tirahan nila ng girl!” madiing kuwento ng aming source.

May mga nagpapalagay naman na baka may malinaw nang usapan ang dalawa. Baka naman alam ng girl ang ginagawa ng lalaki, pero meron na silang pagkakaintindihan na ayos lang ‘yun, basta hindi nakikita mismo ng aktres ang milagro ng male personality.

“Nagdadala ng girl ang male personality sa tinitirhan nila, nagtataka nga rin ang mga guwardiya, paano mangyayari ‘yun, e, ang alam nila, ang dalawa ang magka-live-in?

“Nawiwindang na rin ang mga kapitbahay nila, bakit pumapayag ang aktres sa ganu’ng set-up? Kapag malapit na siyang dumating, e, saka pa lang aalis ang girl sa tirahan nila ng male personality.

“Puwede bang mang­yari ‘yun kung sila pa rin ang magkarelasyon? Siguro nga, e, parang magkapatid na lang ang turingan nila ngayon!

“Hindi kaya ang ginagawang ‘yun ng male personality ang nakararating sa mga anak ng aktres kaya kontrang-kontra sila du’n sa lalaki?

“Nakakalokah ang relasyon ng dalawang ‘yun, sa totoo lang! Sila pa ng aktres, pero meron nang dinadalang babae sa bahay nila ang guy?

“Ano sa palagay n’yo, guys? Magkarelasyon pa ba sila o magkapatid na lang ang tratuhan nila?” nawiwindang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alden tagumpay sa pagiging negosyante

Sa taping ng isang serye ay naging sentrong paksa si Alden Richards. Sa kabilang network ‘yun, hindi sa GMA-7, kung totoong nakakagat ng tao ang kanyang dila kapag pinag-uusapan siya ay baka putol na ang dila ng Pambansang Bae.

Sabi ng isang male personality, “Ang suwerte ni Alden Richards, ‘no? 2015 lang siya sumikat nang husto, ano pa lang tayo ngayon, pero ang dami na niyang negosyo!

“Magkakaroon na pala siya ng branch ng McDo? Tapos, magtatatlo na ang restaurant niya. Masuwerte siya!” sabi ng kilalang aktor sa umpukan.

Isang veteran actor naman ang sumali sa kuwentuhan, may karapatan itong magsalita tungkol sa maayos na paghawak ng pananalapi dahil tulad ni Alden ay marami rin itong negosyo, masinop sa pera ang beteranong aktor.

“That’s what I’m telling you, guys. Walang promise ang trabaho natin bilang mga artista. You’re here today, but tomorrow, you’re gone. May iba na namang magugustuhan ang publiko.

“Maagang namulat si Alden sa pagnenegosyo, he’s well-advised, tama ang ginawa niya dahil hindi naman habampanahon siyang nasa itaas,”  banayad na kuwento ng veteran male personality.

Tatlong buwan pa mula ngayon ay magbubukas na ang franchise ng food chain ni Alden sa Biñan, Laguna. Ang lugar na dati nilang kinakainan ng kanyang pamilya pagkatapos nilang magsimba ay puwede na niyang angkinin ngayon.

Tulung-tulong ang kanyang pamilya sa mga pinapasukan nilang negosyo, nand’yan ang kanyang ama na palaging nakatutok, pati ang kanyang kapatid na si Rizza ay kumukuha na rin ng seminar ngayon para sa pagpapatakbo ng kanilang food chain.

Iba na nga naman ang masipag at masikap, pero iba rin ang masuwerte at masinop sa kinikita, ‘yun ang mga katangian ng mga matatagumpay na negosyante.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with