^

PSN Showbiz

Boobay at Tekla susubukan si Vice

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Boobay at Tekla susubukan si Vice
Boobay & Tekla

Mapapanood na sa TV ang sumikat na online show ng GMA na The Boobay and Tekla Show beginning January 27.

Last year nang pumatok sila sa pagkakalat ng positive vibes sa kanilang viewers and followers sa digital comedy program na The Boobay ang Tekla Show.

 Yup, magiging weekend TV show na ito mula sa  short-form online capsules na pangako nila ay magiging mas masaya at bongga.

Every episode ay magpi-feature sila ng celebrity guest na magiging spontaneous ang discussion kung saan makikipag-interact naman ang mga host sa mga karaniwang tao.

Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ni Boobay sa suporta ng fans.

“Nagpapasalamat ako sa GMA kasi nakita nila yung chemistry namin ni Tekla as comedy duo. Pero para sa akin, fans ang may kagagawan kung bakit kami mapapanood sa telebisyon. Kung hindi dahil sa suporta nila—sa libu-libong likes at views na binibigay nila sa amin sa bawat episode ng show namin, hindi kami mabibigyan ng chance ng GMA. Kaya maraming salamat talaga, para sa kanila ito,” sabi ng komedyante.

Nag-pramis naman si Tekla na mag-e-effort siya para mas mapasaya ang manonood nila.

“Yung nararamdaman ko is tuwa and at the same time, challenging din ito para sa amin ni Boobay kasi mabigat na responsibilidad ang comedy. Kung sa iba siguro pagpapatawa lang yun, pero para sa amin, seryosong bagay ito. Pero mas nangingibabaw yung feeling na lumevel up na kami kasi dati sa online lang kami nakikita, ngayon sa national television na. Buong mundo na ang makakanuod sa amin so pinapangako namin na mag-e-exert pa kami ng more effort and ideas.” 

Bukod sa pakikipagkuwentuhan sa guest, meron ding live performances, live pranks at ang remake ng ‘Dear Boobay and Tekla.’

Ang The Boobay and Tekla Show is under the helm of director Rico Gutierrez.

Magsisimula itong mapanood sa  January 27, 10:25 to 11:25 PM, on GMA Sunday Grande.

Malay natin magkaroon sila ng puwang sa Sunday night viewing at makalusot sila kay Vice Ganda.

Naghamon na kasuhan!

Ano nga kayang magiging ending ng bangayan nina Kris Aquino at Nicko Falcis?

Mahaba-haba na ang tinatakbo at palalim na ng palalim na ang mga pangyayari. Sana nga ay maayos na ito sa lalong madaling panahon para matahimik na silang lahat.

Matapos mag-trending ang conversation ng dating mag-amo na tungkol sa umano’y pagbabanta ni Kris, binura na ni Kris ang sagot niya na kasuhan siya sa ginawa niyang pag-threat sa dating manager/accountant :

“My TRUTH doesn’t scare me. Please do us all a favor. File charges against me. Unlike you, I’ll woman up and face all of them IMMEDIATELY.”

vuukle comment

THE BOOBAY AND TEKLA SHOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with