^

PSN Showbiz

Willie hindi takot bumalik sa hirap!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Willie hindi takot bumalik sa hirap!
Willie

Inimbita kami ni Willie Revillame for a New Year merienda sa 42nd floor o penthouse ng Wil Tower na katapat ng ABS-CBN.

Natuwa ako dahil nakita ko sa super sosyal na events place ni Willie sina Bernadette Duenas at Karen Martinez na matagal ko nang hindi nakikita.

Napag-usapan namin ni Willie ang panahon na P50 a day lang ang kinikita niya bilang drummer ng banda at ang P150 na talent fee niya bilang co-host ng variety show namin noon sa Channel 13, ang Regal Family.

Magkasama kami ni Willie sa Regal Family dahil parang ako ang PRO ng show na sina Marivin Arayata at Linggit Tan na mga in charge sa production.

Parang balik-tanaw ang kuwentuhan namin at ngayon, nag-uusap kami sa building na si Willie ang may-ari.

Bongga talaga ang buhay dahil hindi mo alam kung saan ka dadalhin. Ang mga bagay na hindi mo aakalain na darating sa iyo.

Imagine, nakikitulog lang dati si Willie sa bahay ni Aga Muhlach. Naranasan din niya na makitulog sa bahay ng isang musician, papakin ng mga lamok at apat na beses na sumasakay ng jeep para makauwi sa bahay niya.

Pero hindi rin maikakaila ni Willie na kahit anong suwerte at kahit ano pa ang hawak mo, in a snap of a finger, puwede rin mawala.

Roller coaster din ang buhay ni Willie kaya kailangan maingat din siya sa bawat desisyon, isang maling lakad puwede kang madapa at mahirapan tumayo.

Mabuti kung laging masuwerte ka, paano kung sumablay?

Isang bagay ang sure na sure si Willie, secured na secured na ang kanyang apat na anak dahil ito ang tiniyak niya.

Sabi ni Willie, galing siya sa hirap kaya hindi siya natatakot na bumalik sa hirap. Basta ang importante, may matira para sa mga anak niya.

Well, magandang example si Willie sa mga artista, tingnan kung ano ang puwede for investment para makita nila kung saan napupunta ang kanilang mga kinikita.

At sana tuluy-tuloy ang suwerte para kahit paano maganda ang kalabasan ng paghihirap nila.

Sosyal at bongga ang events place ni Willie na nag-iisa lang sa Quezon City.

Puwedeng rentahan ang events place para sa mga birthday party, wedding reception, presscons o basta brain storming lang ng staff ng mga television network.

Nag-hire si Willie ng mamamahala sa events place, ang Raintree na sosyal at masasarap na mga pagkain ang inihain sa amin.

Pag-aari niya ang buong 39th, 42nd at 43rd floor ng Wil Tower. Wala nang time si Willie na mag-manage ng mall kaya ibinenta niya ito kina Papa Manny at Mama Cynthia Villar.

Ang Wil Tower ang isa sa mga pinakamataas na building sa South Triangle area. Kitang-kita mula sa function room na kinaroroonan namin ang Manila Bay, Ortigas Center, Makati City, Maynila at ang Commonwealth area.

Siyempre, may sariling helipad ang Wil Tower para sa chopper ni Willie na hindi na ma-take ang traffic sa Metro Manila kaya hindi na siya nagmamaneho ng sasakyan.

Kesa magdusa sa by land travel, sumasakay na lang si Willie sa kanyang helicopter kapag naisipan niya na pumunta sa Tagaytay City at sa kanyang bagong beach resort sa Puerto Galera.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with