Ariella
Ariella ikinumpara ang pagkawala ng Miss U PH sa pakikipag-break!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2019 - 12:00am

Nagbigay ng reaksyon si Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida tungkol sa napabalitang nabili na ng LCS group of companies na pagmamay-ari ni Luis Chavit Singson ang Miss Universe Philippines franchise. “Actually haka-haka pa lang, siyempre Bi­nibining Pilipinas has been there ever since. Kumbaga tradisyon, ‘yung legacy. Parang daig ko pa ang nakipag-break sa aking boyfriend na ten years ko nang kasama,” makahulugang pahayag ni Ariella.

Ramdam ng beauty queen na may mangyayaring pagbabago kung sakaling mawala na sa Binibining Pilipinas ang Miss Universe Philippines franchise. “I guess for this one, since bago po siya para siyang Miss World Philippines before. Nagkaroon siya ng sarili niyang pageant. So this one unless, si Miss Universe Philippines may binili siyang ibang titles, mapapasama na sa ibang titles ang Miss Universe Philippines. Pero until now, the other pageants naman are still with Binibining Pilipinas, like last year may six titles. So ngayon, five titles na lang ang paglalabanan,” paliwanag ng dalaga.

“Ang nakakatawa nga sa mga nababasa ko, puwedeng maging all-star. Kasi ‘yung mga nanalong Binibining Pilipinas noon na hindi nanalo ng Miss Universe title, puwede na silang sumali sa Miss Universe Philippines. So abangan natin, for sure malapit na ‘yan,” dagdag pa niya.

Mga pelikulang kasali sa MMFF ibebenta sa international film market!

Maraming gagawing proyekto ngayong 2019 ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pina­ngungunahan ni Liza Diño. “Napakarami naming projects this year, pero siyempre ang kailangan namin ay palakihin pa at gawin naming relevant ang celebration of 100th year. So I’m giving emphasis on a lot of training and development program. Mayroon din tayong mga programs para tumulong sa pag-produce pa ng mas marami pang pelikula,” bungad ni Liza.

Ayon sa FDCP Chairperson ay mas magiging espesyal ngayong taon ang Pista ng Pelikulang Pilipino dahil ipi­nagdiriwang ang ika-isangdaang taon ng Philippine Cinema.

 “The events of FDCP will be the launch of 100th year of Philippine cinema. So imbes na August, it will be on September 11 to 17, 2019. So excited kami sa mga events at sa lahat ng mga activities at siyempre sa line-up ng mga pelikula na magiging kasali this year,” paglalahad ni Liza.

Masayang-masaya rin si Liza dahil sa posibilidad na mapanood din sa ibang bansa ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

“I’m very happy na Philippines is now seeing this opportunity to expand this market. ‘Yung trust kasi ng FDCP ngayon is to really not just to make films for local audiences, but also to make films na exportable or pwede mapanood ng ibang lahi sa buong mundo. So ang MMFF is taking that direction as well. So iba sa mga pelikula na nasa MMFF ay sasali na sa international film markets,” pagbabahagi ni Liza.

ARIELLA ARIDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with