^

PSN Showbiz

Gretchen kumampi na naman

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Gretchen kumampi na naman
Gretchen

SEEN: Viral na ang audio recording ng alleged explosive cellphone conversation ni Kris Aquino at ni Nicko Falcis, ang dating managing director ng kanyang Kris C. Aquino Productions. Hindi pa nagsasalita si Kris Aquino tungkol controversial audio recording na pinaghihinalaan na galing din sa kampo ni Falcis na sinampahan niya ng 44 counts ng qualified theft.

SCENE: “Ipapapatay ng pamilya niya, mamamatay si Nicko Falcis kapag muling tumuntong sa Pilipinas at pinagkakatiwalaan siya ng buong Pilipinas” ang mga banta ni Kris kay Nicko nang magkausap sila sa telepono noong nakaraang taon. Nagpunta si Nicko sa Thailand dahil sa diumano’y sobrang takot niya kay Kris. 

SEEN: Si Gretchen Barretto ang tanging artista na unang nag-post sa Instagram account niya ng screenshots ng alleged audio recording ng cellphone conversation nina Kris Aquino at Nicko Falcis. Siya rin ang unang artista na nagpakita ng suporta kay Falcis.

SCENE: Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Alpha: The Right to Kill, ang pelikula ni Cannes best director Brillante Mendoza tungkol sa war on drugs. Hindi nakapasa sa panlasa ng selection committee ng 44th Metro Manila Film Festival ang Alpha The Right to Kill dahil mas pinaboran nila ang Otlum.

SEEN: Dumating na kahapon sa Las Vegas, Nevada si Senator Manny Pacquiao at ang entourage nito para sa January fight nila ni Adrien Broner sa MGM Grand. Live na mapapanood sa Pilipinas sa Linggo, January 20, ang laban nina Pacquiao at Broner.

SCENE: Ang pasasalamat ni Bela Padilla sa lahat ng mga pumuri at sa mga positive review sa kanyang kauna-unahan na spoken word poetry piece sa Spotify. Mahusay na writer si Bela kaya madali sa kanya ang sumulat ng spoken word poetry.

SEEN: Welcome kay Alessandra de Rossi na magkaroon sila ni Bela Padilla ng collaboration sa kanilang mga future movie project. Parehong maga­ling na story at scriptwriters sina Alessandra at Bela.

SCENE: May special participation sa Onanay sa Monday night episode nito si Gerald Sibayan, ang asawa ni AiAi delas Alas. Piloto ang role ni Gerald sa brief exposure niya sa Onanay. Sa tunay na buhay, nag-aaral si Gerald na maging piloto.

SEEN: Talented singer-actress si Rita Daniela kaya deserving ang mga papuri sa kanya sa pagganap niya bilang Aubrey, ang love interest ni Ken Chan sa My Special Tatay.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with