^

PSN Showbiz

Vice panay ang waldas ng datung!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Vice panay ang waldas ng datung!
Vice

May pera na talaga si Vice Ganda, matapos niyang bigyan ng Christmas treat ang kanyang pamilya at ilang mga malalapit na kaibigan sa isang baka­syon sa bansang Espanya ay dinala rin niya sila sa HongKong at ipinag-shopping. Hindi siya makuntento na mapag-iwanan ang mga bff niya sa It’s Showtime kaya pati sila ay dinala niya ng HongKong.

Isang episode ng noontime show ang ginugol nila para pagkwentuhan ang naging adventure nila sa sikat na shopping country.

TNT Boys dumadalas na ang pagsablay sa lyrics!

Dalawang beses nang kumanta ang TNT Boys na hindi nila kabisado ang kinanta nila. Obvious ito sa lahat ng dumalo sa opening ng PBA (Philippine Basketball Association). Mortal sin ito ng kabataang trio dahil hindi naman sila basta-bastang performer lang. Kilala sila at hinahangaan sa buong mundo.

‘Yung nagpapatakbo ng karera nila ay dapat tinitiyak na palaging handa at performance level ang tatlo.

Hindi rin nila kabisado yung kinanta nila sa ASAP last Sunday. Kitang-kita ito ng manonood ng TV.

They should have been provided with a teleprompter. Alagaan n’yo naman sila, please.

Relasyon nina Elisse at McCoy pinakialaman ng mga magulang

Marami sa mga nanonood ng Tonight With Boy Abunda ang napaiyak sa ginawang interview ng King of Talk Boy Abunda kina McCoy de Leon at Elisse Joson para sa promo ng kanilang launching film na Sakaling Maging Tayo.

Kakatuwang napilit silang mag-guest ng magkasama para lang sa kapakanan ng kanilang pelikula gayung obvious naman na nahirapan sila at hindi pa sila healed from their break up at may feelings pa rin sila sa isa’t isa.

Obvious na naging bahagi ang kani-kanilang mga magulang sa kanilang paghihiwalay na ayaw na sanang i-share ng dalawa sa publiko, pero wala silang choice dahil may kailangan silang i-promote.

Umamin ang dalawa na ilang ulit silang naghiwalay at nagbati bago matapos ang pelikula.

Hopeful pa rin ang fans nila na may magic na mangyari after mai-showing ang movie nila na maaaring humanga sa kanilang balikan, hindi man bilang magkarelasyon kung hindi bilang magkaibigan man lamang.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with