^

PSN Showbiz

Jinkee, hindi nagbabago ang kabaitan noon at ngayon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee, hindi nagbabago ang kabaitan noon at ngayon
Jinkee, Manny at Bernard

Naku Salve, 40th birthday ni Mama Jinkee Pacquiao at ng kanyang kakambal na si Janet Jamora noong January 12 at dahil kasama nila si Bernard Cloma sa Los Angeles, California, nakapag-usap kami sa telepono.

Ang bait talaga ni Mama Jinkee dahil kahit kumakain yata siya, sinagot niya ang cellphone na binigay ni Bernard at kinausap ako.

Binati ko siya ng happy birthday at tuwang-tuwa siya na manonood tayo ng laban ni Papa Manny Pacquiao kay Adrien Broner. Tinanong agad ni Mama Jinkee kung ilan tickets ang kailangan natin.

Bongga talaga sa kabaitan si Mama Jinkee mula nang nakilala ko siya at up to now, hindi pa rin siya nagbabago.

Salamat uli kay Bernard dahil nakausap ko si Mama Jinkee. 

Happy birthday and goodluck kay Papa Manny sa laban nila ni Broner. I-knockout mo agad si Broner, Papa Manny dahil kayang-kaya mo ‘yan!

Karangalang ibinigay ni Manny wala nang makakapantay

Happy talaga ako sa panalo ni Darren Criss sa Golden Globe Awards. Bongga dahil Filipina ang kanyang ina na ipinagmamalaki at mahal na mahal niya.

Nakaka-happy talaga pag may Fil-Am na buong puso ang pasasalamat sa pagkakaroon ng dugong Pinoy.

Very proud si Darren sa nanay niya na isang Cebuana. Hindi nga ba ang sarap pakinggan ng mga Fil-Am na nagpapasalamat at ina-acknowledge ang pagkakaroon nila ng dugong Pinoy?

Tunay na pagdating sa acting may ilalabas na talent ang mga kababayan natin kaya nga marami ang  may dugong Pinoy na nasa Hollywood.

Kilala na rin tayo sa mundo ng mga beauty pageant dahil marami na tayong napapanalunan na korona.

Pero wala nang tatalo sa ibinigay na karangalan sa Pilipinas ni Papa Manny Pacquiao na mahirap nang mapantayan.

Hindi na puwedeng agawin ang achievements ni Papa Manny dahil boxing icon na siya sa buong mundo.

The Champ Manny Pacquiao, we are proud of you, Pilipino tayo. Talagang ipagmamalaki mo dahil sariling atin si Pacquiao, ‘di ba Papa Toby Tiangco?

‘Dun ka sa mahal ka…’

Gusto ko ang quotation na nabasa ko na ‘don’t stay where you are needed, go where you are loved’ ang ganda ‘di ba?

Hindi kailangan na naroroon ka sa lugar kong saan ka kailangan, doon ka dapat sa lugar kung saan ka minamahal.

Oo nga bakit kailangan na nakasiksik ka sa lugar kung saan ka gagamitin lang at kailangan ang katauhan mo, doon ka na dapat sa mamahalin ka kahit walang makukuha sa iyo.

Sabi nga, kapag mahal ka, may mga bagay man na hindi maganda sa iyo, they will take you, hook, line and sinker.

Doon ka sa kailangan ka, hindi ‘yung habang may magagawa ka lang sa kanila, gusto ka nila pero kapag wala nang pakinabang sa iyo, wala ka na rin.

Kaya dapat doon ka sa mahal ka anuman ang mangyari at kahit wala ka nang naitutulong, andiyan pa rin sila para sa iyo. Mahal ka pa rin nila.

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with