Mr. M at Baron
Baron may pangako na sa sarili
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2019 - 12:00am

Balik-pelikula

Malaki ang pasasalamat ni Baron Geisler dahil muling nakagawa ng pelikula ang aktor ngayon. Kasama si Baron sa pelikulang Alpha: Right to Kill na mapapanood na bukas sa mga sinehan mula sa direksyon ni Brillante Mendoza. “I believed in his vision. I believed in his film making and also I’m grateful na halos lahat ng movies niya sinasali niya ako,” bungad ni Baron.

Nakausap na rin ni Baron ang head ng Star Magic na si Johnny Manahan kamakailan para sa posibilidad na paggawa muli ng mga proyekto sa ABS-CBN. “I’m praying, sana makabalik sa Star Magic. Siguro sa buong stay ko sa rehab, isa ‘yon sa halos pinagdadasal ko araw-araw, I feel good. Actually, I visited Star Magic, I reconnected with them and I really had a good talk with Mr. M (Johnny Manahan), my mentor, my godfather in our industry,” nakangiting kwento ng aktor.

Sisikapin daw ni Baron na magtutuloy-tuloy na ang kanyang pagbabago mula sa mga kinasangkutang kontrobersiya noon. Umaasa rin ang aktor na muli siyang tatanggapin ng publiko sa kanyang pagbabalik sa trabaho. “Wala po akong ipinapangako, pinapangako ko po sa sarili ko to keep working on my program, my structure, and sustain sobriety. And I’m praying to sustain my work, my job, and my business,” makahulugang pahayag niya.

Pagpapakasal nina Jake at Shyre may blessing na ng mommy niya, pero lola gustong ibalik sa dati

 Wala pa ring komunikasyon sa pagitan ng mag-inang Raquel Pempengco at Jake Zyrus. Matatandaang nagkagalit ang mag-ina mula nang magbago ng katauhan ang singer mula sa pagiging Charice Pempengco ilang taon na ang nakalilipas. “Mula noon wala pa akong communication kay Charice, pasensya na. Pero inuunawa ko na lang kasi nga hindi man siya mag-reach out sa akin eh darating din naman ang panahon. Ayaw ko nang magtanim ng sama ng loob sa kanila at mga kamag-anak ko sila,” pahayag ni Mommy Raquel.

Kasalukuyang nasa poder ngayon ni Mommy Raquel sa Lucban, Quezon ang inang si Tess Pineda.

Ayon sa ina ng singer ay talagang naapektuhan ang lola ni Jake dahil sa mga ginawang pagbabago nito. “Si Nanay ang pinakaproblemado sa mga nangyari. Kung ako nga po na ina hindi ko makontrol ang anak ko, siya pa kaya? Gusto daw niya magpunta at subukan na kausapin at ibalik sa dati. So ako naiintindihan ko na imposibleng mangyari pa ang gusto ni Nanay at depende na rin kay Charice kung gusto niya na kupkupin ang nanay ko,”  pagbabahagi ni Mommy Raquel.

Bago magtapos ang 2018 ay napabalitang engaged na si Jake at kasintahang si Shyre Aquino. Wala na umanong problema kay mommy Raquel kung sakali mang pakasalan ng kanyang anak ang nobya. “Kung doon siya masaya, okay lang sa akin. Lahat naman sila na wala silang komunikasyon sa akin, kung saan man sila masaya, may blessing ‘yon,” pagtatapos niya.

BARON GEISLER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with