^

PSN Showbiz

Sharon sinapawan si Pia sa pagiging muse!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sharon sinapawan si Pia sa pagiging muse!

Dating Miss U binakuran kasi

Nag-sorry na ang mga batang TNT Boys sa kanilang Twitter account, pagkatapos pag-usapan sa social media ang pagkanta nila sa opening ng PBA na ginanap sa Philippine Arena kahapon.

Isang kaibigan namin ang dumalo sa opening ng PBA at kapansin-pansin nga raw ang pagkakamali ng tatlong bata nang kantahin nila ang Sino Ako sa invocation. Hindi nila kabisado ang ilang lyrics at di pa naabot ang ilang parts ng kanta.

Akala lang daw ng mga tao doon ay may problema sa sound system, pero hindi na raw napansin doon sa live.

Pero sa mga netizen, pinagpiyestahan ang pagkakalat nila at kung anu-ano na ang mga sinabi laban sa mga bata.

Pati sa National Anthem ay pinuna rin nilang nagpapatalbugan daw silang tatlo, kaya hindi sila nagbi-blend.

Kaagad namang nag-post sa Twitter account ang TNT Boys na nag-sorry at inamin ang pagkakamali nila. May last minute lang daw na binago sa Invocation.

Sabi nila; “Het it’s okay friends! We practiced for this event. But we did what we were asked for the invocation last minute. We’re reading all your suggestions and we’ll be better next time! Much love.”

Pero ‘di ba parang may mali din doon ang gumawa ng program, dahil dapat mauna muna ang Invocation bago ang National Anthem.

Sa totoo lang, hindi naman daw iyung pagkakalat ng TNT Boys ang pinag-usapan doon sa Philippine Arena kundi kung paano raw tinalbugan ni Sharon Cuneta ang mga magagandang muse ng mga basketball team na pumarada roon.

Sabi ng aming kaibigang nandun sa PBA opening, “Tinalbugan ni Sharon si Pia Wurztbach! Si Sharon pa rin talaga!”

Hindi raw magkamayaw ang mga tao nang lumabas na si Sharon na muse ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Unang tinawag daw si Pia na muse ng Ginebra, na marami rin naman ang nagsigawan at tuwang-tuwa nang makita ang Ms. Universe 2015, pero ang team daw ni Sharon ang huling tinawag at doon na raw nagkagulo ang mga tao.

Super kaway pa raw sa lahat si Sharon at pinagbigyan daw ang mga taong nakakalapit na gustong magpa-picture sa kanya.

Laging nakahawak pa raw si Sharon kay Marc Pingris na parang meron silang naka-video chat na binati rin ni Sharon. Ang duda nila baka si Danica raw iyung tinawagan ni Marc at pinabati si Mama Shawie!

Kapansin-pansin naman daw doon na super bakod daw ang mga kasama ni Pia sa mga gustong magpa-picture sa kanya. May mangilan-ngilang nakakalusot para magpa-picture, pero matindi raw ang harang sa Ms. U 2015.

Isa pang umeksena roon sa parada ng PBA ay ang Kapuso artist na si Kelley Day.

Natapilok daw ito nang lumabas sila, na mabuti na lang nasalo raw ito ng guwapong player na si Rashwan McCarthy.

Komento naman daw ng ilang nandun, na tila ‘woke up like this’ lang daw ang drama ni Kylie Versoza na muse naman ng San Miguel Beermen.

Parang naka-nightie lang daw ito, pero keri naman daw niya kaya maganda pa rin ang dating.

Ilan pa sa standout daw doon ay ang Bb. Pilipinas Grand International na si Eva Patalinjug na muse ng Meralco Bolts at ng teleseryeng Halik na si Yam Concepcion ng Phoenix Pulse  Fuel Masters.

Pero kahit anong ganda nila, lahat daw sila ay pinadapa ng megastar Sharon Cuneta.

FDCP handa na  sa PPP 2019

Ang aga ng announcement ng FDCP Chairperson Liza Diño sa Pista ng Pelikulang Pilipino na nasa pangatlong taon na.

Bahagi kasi ito ng pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema na kung saan sinasabi ni FDCP Chairperson Diño na mas marami raw makabuluhang pelikulang nakalatag sa taong 2019.

Magsisimula nga raw ang 3rd PPP sa September 11 hanggang 17 bilang opisyal na selebrasyon na rin ng Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino.

Ang PPP ang flagship program ng FDCP na kung saan kinilala na ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 622 Series na pinirmahan na ng ating Pangulong Rodrigo Duterte nung November last year.

Dito na rin ini-announce ni Chair Diño na mapapanood sa lahat ng mga sinehan ang mga pelikulang kalahok sa PPP.

Boy Tokwa hindi ininda ang pag-flop

Nilinaw sa amin ng mga taga-VST Production Specialist, Inc. ni Sen. Tito Sotto na masaya sila sa magandang resulta sa boxoffice ng pelikulang Boy Tokwa, Lodi ng Gapo ni Jose Manalo.

Sabi kasi nila, flop daw ito kaya nagtatanong sila kung masusundan pa ba ng film projects ang VST Productions.

Sabi ni direk Tony Reyes, masaya raw si Tito Sen sa resulta ng Boy Tokwa kaya nagpapahanap pa raw ito ngayon ng iba pang magandang project na puwede nilang simulan.

Hindi naman daw sila luging-lugi rito dahil di naman kalakihan ang budget nito. Kaya mababawi naman daw ng produksyon.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with