^

PSN Showbiz

Foreign artists di nakasingit sa valentine

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Foreign artists  di nakasingit sa valentine
Lani at Martin

Parang tambak sa February 14 ang mga Valentine concert na magbibigay-saya sa mga manonood.

Bongga dahil may mga concert sina Martin Nievera at Lani Misalucha, Regine Velasquez at Vice Ganda. May Valentine show din si Ogie Alcasid at marami pang iba.

Malalakas ang local combination kaya masasaya na naman ang mga Pinoy artist. Wala pa akong nari­rinig na foreign singers na magkakaroon ng Valentine show sa Pilipinas.

Sana nga, lumakas ang mga local concert natin para lalong maging maligaya ang mga Pinoy singer na talagang world class ang mga talent sa pagkanta.

Kung tutuusin, mas mahusay pa nga sila sa ibang mga foreign singer. Sige pabonggahan kayo, mas magaling ‘yan! Laban, fight!

Mga bata sinasanay sa pagsimba

Tuwang-tuwa ako sa mga bata na nagsisimba. Cute sila na tingnan habang tahimik sa pakikinig ng misa at sumusunod sa pagtayo at upo ng mga tao.

Maganda ang ginagawa ng parents na bata pa lang sinasanay na sa pagsimba ang kanilang mga anak dahil makakasanayan ‘yon hanggang sa paglaki at pagtanda nila.

Sabi ko nga buong linggo tayong may ibang ginagawa, Linggo lang ang araw at halos 30- minutes ang iniuukol natin kay God, bakit hindi natin gawin?

Parang hindi kumpleto ang Linggo mo kapag hindi ka nagsimba at nagbigay-pugay sa Kanya.

Magandang halimbawa sa mga bata na nakikita nila sa kanilang mga magulang ang pagsisimba.

Magandang makita na maraming tao sa simbahan tuwing Linggo dahil patunay ito na hindi nawawala ang pananalig natin sa Diyos na nagbibigay sa atin ng mga biyaya.

Mga nagkakasakit mas dumarami

Sobrang dami pala ang na-confine sa ospital dahil sa ubo at sipon noong Pasko at Bagong Taon.

Marami ang nagkasakit dahil sa pollution, climate change o talagang mababa na ang immune system ng maraming tao dahil sa stressful lifestyle.

Kaloka na lahat halos eh inuubo.Sa edad ko at kahit mga bata, madali nang tablan ng pneumonia na sinasabi na number one killer ngayon.

Hindi kasi masyadong pinapansin ang ubo dahil akala natin madali lang gamutin. Hindi natin alam na kapag sobrang baba na ng immune system, mabilis ka nang tatamaan ng pneumonia.

Dapat talaga maingat ngayon sa health dahil mahal magkasakit. Kahit babaan pa ang presyo ng gamot, big deal na magkasakit ka ng isang linggo at hindi ka makatrabaho kaya dapat na mag-ingat ang lahat.

Sa unang sign pa lang ng flu, magpagamot agad. We should listen to our bodies na nagbibigay ng signal kapag medyo hindi na kaya.

Makinig tayo sa ating katawan at maging aware sa mga sintomas. Our body is our wealth. Huwag abusuhin, mahalin at ingatan natin.

Apo ni Bong, enjoy sa pag-iikot sa probinsiya

Tuloy ang Pasasalamat Caravan ni Bong Revilla, Jr. sa mga probinsya para personal na pasalamatan ang mga kababayan natin na walang katumbas ang suporta at pagmamahal sa kanya.

Ang Camarines Sur ang isa sa mga binisita ni Bong, kasama ang kanyang misis na si Lani Revilla at apo na si Gab Revilla na enjoy na enjoy dahil nasaksihan niya ang pagmamahal at pagdumog ng mga tao sa kanyang lolo.

First time ni Gab na sumama kay Bong sa Pasasalamat Caravan at memorable sa kanya ang mga eksena na na-witness niya.

vuukle comment

LANI MISALUCHA

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with