Scarlet, Hayden at Vicki
Scarlet lumebel sa award ni Dra. Belo
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — People of the Year awardee na rin pala si Scarlet Snow Belo.

Yup sa edad niyang three, kasama na siya sa listahan ng mga sikat at tinitingalang tao ng ating lipunan. Nauna nang tumanggap ng ganitong award ang mommy Vicki niya.

Kaya nga proud na proud ang mga magulang ni Scarlet na sina Drs. Hayden and Vicki Kho sa achievement ng anak na sabi nga ng mga nakakasama nito ay hindi nila alam kung saan nanggagaling ang sobrang katalinuhan.

Sa edad daw talaga nitong three, super amazing ang knowledge ng bata pag nakasama mo.

“I’m so proud of our little @scarletsnowbelo. She is @peopleasia’s “People of the Year” awardee for 2018-2019—the youngest awardee ever at age 3 and for what? For simply making people happy! Love you, my baby!

“Show some love and grab a copy of People Asia now!,” sabi kahapon ni Dr. Hayden sa kanyang IG.

Isa rin sa mga in demand na social media influencer si Scarlet kung saan meron siyang almost 3 million followers. 

Tony inaayos na ang mga papeles

Inaayos na raw ang mga dokumento ni Tony Labrusca sa Bureau of Immigration (BI) matapos nga itong magtaray sa Immigration officer nang tatakan ng 30 days ang kanyang US passport pagkagaling ng Canada.

Ayon sa ABS-CBN executive na si Deo Endrinal, naipasa na ang kailangang documents at hinihintay na lang nila ang approval para sa working visa ng actor.

Si Deo ang nasa likod ng pelikulang Glo­rious na napapanood sa iWant, ang streaming provider ng Kapamilya Network.

Anyway, marami rin gina­gawang new series si Deo na sa iWant lang ipapalabas. Yup, mga new series daw ito, kung saan sumikat si Tony.

SCARLET SNOW BELO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with