Catriona at Jessica
Jessica tinuruang mag-lava walk ni Catriona sa New York
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumipad pa mismo si Jessica Soho sa New York upang makapanayam ang newly-crowned Miss Universe na si Catriona Gray na mapapanood ngayong gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Kamakailan nga ay umarangkada na sa kanyang Media Tour sa Amerika ang Pinay beauty queen. Sa New York, personal na kukumustahin ni Jessica ang simula ng reign ni Cat.

Paano kaya sasagutin ni Catriona ang mga classic Miss Universe questions habang kumakain siya nang paborito niyang hilaw na mangga?

Ano naman ang masasabi niya sa mga batang viral ngayon na ginagaya ang pagrampa at pagsagot niya, pati na rin ang mga fan arts at memes na lumabas?

At sa street ng Big Apple pa mismo tuturuan ni Cat si Jessica ng kanyang famous lava walk!

So paano nga ba ‘yun gagawin ni Jessica?

Abangan ang award-winning magazine show at 2018’s most-watched GMA program—ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), Linggo ng gabi pagkatapos ng Studio 7 sa GMA-7.

CATRIONA GRAY JESSICA SOHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with