Julie Anne
Kahit anong push sa career, Julie Anne ‘di pa sumisikat
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

Hindi pa fully napapansin ang performance at presence sa stage ni Julie Anne San Jose pero isa siya sa mga talented contract star ng GMA-7.

Nagtataka ako dahil nasa kanya ang lahat ng quality ng isang singer kaya dapat na nasa kategorya na siya nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo.

May solid backing din siya ng GMA-7 at kahit saan ko makita na mag-perform, sa Sunday PinaSaya at Studio 7, in perfect form talaga si Julie Anne.

Maganda, sexy at mahusay  rin ang PR niya. Timing na lang siguro ang  hihintayin ni Julie Anne na may concert tour, kasama sina Christian Bautista, Tekla at Donita Nose.

Magsisimula sa Iloilo at Cagayan de Oro ang Fun Night Only concert nina Julie Anne at Christian. Kasado na rin ang plano na mag-iikot sila sa buong mundo.

Sana nga sumikat si Julie at marating niya ang dapat niyang status sa showbiz.

Mayor ng Pandi, Bulacan very generous!

Naku nahiya naman ako kay former Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque. Imagine nang kumain kami ni Allan Diones sa isang Korean restaurant sa Timog, nakita niya kami at talagang hindi siya pumayag na hindi kami i- treat.

Kaloka talaga si Mayor Enrico dahil kahit saan mo siya makita, hindi niya mapigilan ang pagiging generous.

Totoong-totoo siya, very sweet at hindi tulad ng iba na may kaplastikan ang pagiging sweet.

Mayor Enrico ng Pandi na may-ari ng Amana Water Park, forever grateful po ako at marami pong salamat.

Mga kaibigan, ‘di ka talaga pababayaan

Sa friends natin Salve, talagang feel mo ang alaga na may pagmamahal ni Marivic Larrazabal, ang wife ng dating Comelec Commissioner na si Goyong Larrazabal.

Andiyan din si Papa Miguel Belmonte kaya type ko na manalo si Mikey at Joy Belmonte sa midterm elections sa Quezon City sa May 2019.

Si Rhea Tan ng Beautederm, si Vanni Patillas ng Ivi Meth, at mga dati na natin na BFF na sina Dra. Vicki Belo Kho, Rubby Coyuito, Joey Santos, lalong-lalo na sina Papa Albee Benitez at Papa Toby Tiangco.

Ang dami na ng friends natin na talagang hindi tayo pinababayaan. Touched nga ako kina Susan Co at Alice Eduardo dahil kahit sobrang busy nila, nagawa pa na ma-remember na batiin ako ng Happy Holidays.

Talagang ang dami ng mga tao na gusto kong pasalamatan dahil they make my world so beautiful and enjoyable.

Ang thoughtfulness nina Liza Dino at Rachel Arenas, plus Annette Gozon-Valdez. Naku never ending talaga ang listahan.

Basta lahat sila part ng mundo ko na ‘di ko makakalimutan. Hindi lang rich Asians ang friends ko, kind and beautiful, at never naging crazy kahit itanong mo pa kina Cris Roque ng Kamiseta at Aileen Go ng Megasoft. Bongga sila.

JULIE ANNE SAN JOSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with