Barbie
Bukod kay JM…Paul at Barbie ayos na uli!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

Naayos na ang gusot sa pagitan nina Barbie Imperial at JM de Guzman. Matatandaang unang nagkatambal ang dalawa sa teleser­yeng Araw Gabi noong isang taon.

Nagkaroon ng espesyal na ugnayan sina Barbie at JM pero nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan. “Okay kami, magkaibigan na kami ngayon,” nakangiting bungad ni Barbie. Hindi maibahagi ng aktres sa publiko kung ano ang tunay na pinagkagalitan nila ng aktor. “Sa amin na lang ‘yon. Kasi para sa akin hindi naman importante na malaman ng buong mundo kung ano ang nangyari kung bakit nagkagano’n. Kumbaga may respeto pa rin po ako sa kanya kahit gano’n ang nangyari,” makahulugang pahayag ni Barbie.

Kahit nagkaroon ng tampuhan ay malaki pa rin ang pasasalamat ng dalaga kay JM. “Tao lang naman po ako na nasasaktan siyempre. Ayaw ko naman po magtanim ng galit eh. Kasi kung wala si JM, hindi naman ako magiging leading lady. Kung wala naman si JM hindi naman ako makukuha sa Araw Gabi. Thankful ako na dumating siya,” giit ng aktres.

Samantala, kamakailan ay nagkaayos na rin si Barbie at ang da­ting kasintahan na si Paul Salas. Nagkahiwalay ang dalawa ilang buwan na ang nakalilipas. “Opo, naniniwala ako na meant to be talaga ‘yon (na magkaayos) eh. And someday malalaman at maiintindihan ko ‘yung reason bakit hindi siya (nagkatuluyan) nangyari. Naghiwalay before pero okay na kami ni Paul, friends na kami” pagtatapos niya.

Alessandra itatambal kay James, limitado ang trabaho matapos magpakalbo!

Pinaghahandaan na ni Alessandra de Rossi ang isang bagong pelikulang pagtatambalan nila ni James Reid sa kauna-unahang pagkakataon. Bukod sa pagiging aktres ay aktibo na rin si Alessandra sa pagiging co-producer at direktor ng pelikula ngayong taon. “Three movies, concept ko lahat and co-producer ako ng VIVA with my own production AWOO. So I’m happy doing this kasi talagang malapit ‘to sa puso ko,” nakangiting pahayag ni Alessandra.

Samantala, hinahanap-hanap na rin ngayon ng dalaga ang paggawa ng teleserye. Ayon kay Alessandra ay may mga proyekto na siyang natanggihan dahil sa pagkakaroon ng maiksing buhok. Matatandaang nagpakalbo ang aktres bago pa magtapos ang 2018. “I think kailangan ko mag-TV, although hindi ko siya magagawa ngayon kasi may mga roles na nagre-require ng wig. Eh hindi ko kaya na 24 hours nakasuot sa ulo ko. Pahinga ako talaga ngayon. Good thing kasama ko ang pamilya ko, so focus ako doon ngayon. Sana makapag-TV ‘yung kaya tanggapin ang itsura ko,” pagbabahagi ng aktres.

BARBIE IMPERIAL JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with