Jake
Lola ni Jake Zyrus bulag na ang isang mata, SINGER binura sa buhay ang pamilya
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

Isang kaibigang kapitbahay ng ina ni Jake Zyrus na si Mommy Raquel Pempengco ang nagkuwento sa ­aming dinala na pala niya sa Lucban, Quezon ang Lola Tess ni Jake pagkatapos nitong nakalabas ng hospital.

Hindi na raw nila nakita si Lola Tess pagkalabas ng hospital dahil nagpunta na raw sila ng Lucban para doon na raw muna magpagaling.

Ang narinig lang daw nila, nabulag na ang isang mata ni Lola Tess, pero hindi lang alam kung kaliwa o kanan.

Inaalam din daw nila kung nakadalaw na si Jake o Charice Pempengco, kasi natatanong daw nila si Mommy Raquel, hindi pa raw talaga.

Sinubukan kong tawagan at text si Mommy Raquel, hindi pa ito sumasagot.

Nung huling nakausap kasi namin, sinasabi niyang ayaw na raw sana talaga niyang magsalita tungkol kay Jake dahil ayaw na  niyang gamitin pa ang media para mapag-usapan ang isyu nilang mag-ina.

Hindi na rin naman daw sila umaasa sa kanyang anak.

Ang pagkakaalam pa namin, naghahanap pa sila ng tulong para makalabas ng hospital si Lola Tess.

Hindi lang alam nung napagtanungan namin kung nagpadala ba ng tulong si Jake. Pero kahit mga kapitbahay, nalulungkot na rin daw na tila binura na talaga ni Jake sa buhay niya ang kanyang pamilya.

Christian at Kat hindi pa handa sa anak

May pagkakaiba na raw talaga ngayon sa trabaho ni Christian Bautista dahil may asawa na siyang kasama na nagde-decide sa lahat na ginagawa niya.

Hindi naman daw nangingialam ang asawa niyang si Kat Ramnani, pero hindi lang daw siya, kung hindi kasama na raw ang asawa niya sa lahat na desisyon niya.

Natanong kasi namin ito kay Christian sa presscon ng Kapuso concerts series nila na The Sweetheart and The Balladeer Fun Night Only kasama sina Julie Anne San Jose at mga special guests nilang sina Super Tekla, Donita Nose at The Clashers na sina Golden Cañedo at Josh Adornado.

Sabi ni Christian; “Every decision now it has to be with my wife all the time, because that’s what marriage all about…na it’s not just my decision, it’s not just her, it’s us.

“Whatever comes in our life, talagang pinag-uusapan namin.

“Dapat partners kayo lagi. So, what is beneficial to her, would be beneficial to me. What would be beneficial to me, would be beneficial to her.”

Desisyon na rin nilang dalawa na huwag muna magka-baby sa ngayon.

“Baka two years pa po,” pakli ni Christian.

Mas gusto raw nilang patibayin pa ang bonding nilang mag-asawa bago madagdag ng miyembro sa pamilya.

“Kami muna, and talagang it’s important na magkaroon kami ng mas stable bond as husband and wife,” dagdag niyang pahayag.

Sa January 27 naka-schedule ang concert nilang The Sweetheart and the Balladeer Fun Night Only sa Mandurriao, Iloilo City na gaganapin sa Iloilo Convention Center.

Kasunod niyan ay sa February 10 sa The Atrium ng Limketkai Center sa Lapasan, Cagayan de Oro.

May nakatakda nang series of concerts si Christian na kasama rin si Julie Anne, pero isisingit pa rin daw nila ni Kat ang pinaplano nilang honeymoon.

“Honeymoon, end of this year. Baka Africa kami,” nakangiting sagot sa amin ni Christian.

Paul ilalantad ang abs

Hindi pa naipalabas ang bagong drama series ng GMA-7 na Kara Mia ang dami nang nakakapansin at kung anu-anong memes na ang kumakalat online.

Kaya nagugulat ang isang bidang si Mika dela Cruz dahil napapag-usapan na sa nakakaintrigang konsepto nitong bagong serye.

Nakikita naman sa teaser ng GMA-7 na ang pangunahing karakter dito ay may dalawang mukha na tinawag nilang Disprosopus o craniofacial duplication.

Si Mika at Barbie Forteza ang nagmamay-ari ng dalawang mukhang ito, na sa paulit-ulit mo napapanood ang teaser, parang magkamukha na rin tuloy silang dalawa.

Kasama nila rito sa Kara Mia sina Paul Salas at Jak Roberto.

Samantala, pinaghahandaan na pala ngayon ng PPL ang sexy pictorial na gagawin ni Paul.

Lalong sumeksi kasi ngayon ang dating miyembro ng Starstruck Kids at proud siyang ilantad ang nakakalaway niyang abs.

JAKE ZYRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with