Maria Ozawa
Japanese Bomba Star strong ang relasyon sa Pinoy Chef
(Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

SEEN: Malaking karangalan para sa singer na si Joey Albert na ipinangalan sa kanya ang isang kalye sa Saladmaster Village sa Pototan, Iloilo. Project ng Gawad Kalinga ang Saladmaster Village na tahanan ngayon ng mga biktima ni Typhoon Yolanda noong November 2013.

SCENE: Ang magkasabay at magkatapat na Valentine concert nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Ang Smart Araneta Coliseum ang venue ng concert ni Regine, kasama si Vice Ganda at sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ang Master of Love concert ni Ogie sa February 14, 2019.

SEEN: Tatlong gabi (February 14, 15, and 16) ang The Songbird and The Songhorse, ang first major concert together nina Regine Velasquez at Vice Ganda.

SCENE: Malapit nang magsimula ang taping nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez para sa sitcom ng ABS-CBN na pinagbibidahan nila. Musical ang diumano’y concept ng sitcom.

SEEN: Hindi pa nagsasalita si Benjamin Alves tungkol sa rebelasyon ni Julie Anne San Jose na hiwalay na sila. May kinalaman ang break up ng dalawa sa nadiskubre umano ni Julie Anne na hindi naging faithful si Benjamin sa relasyon nila.

SCENE: Nag-celebrate ng 33rd birthday sa Pilipinas noong Biyernes ang Japanese adult actress na si Maria Ozawa. Going strong ang relasyon ni Maria sa chef at part-time actor na si Jose Sarasola.

Seen: Hindi puwedeng magsalita si Heart Evangelista sa tunay na dahilan ng pagpunta niya sa China dahil may pinirmahan siya na non-disclosure agreement. Breach of contract ang gagawin niya pag nagkuwento siya tungkol sa kanyang China trip.

MARIA OZAWA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with