Elisse & Mccoy
Mccoy at Elisse madaming pinagdaanang on & off
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2019 - 12:00am

Umamin na sina Elisse Joson at McCoy de Leon na ‘on and off’ ang naging relasyon nila noon. Hindi man magkarelasyon ngayon ay masasabi naman ng aktres na maayos pa rin ang turingan nila ni McCoy. “We started na hindi okay and then inayos, naayos, naging okay. Tapos naging hindi na okay sa end. Nanghihinayang ako on how things had to be, how it ended,” makahulugang pahayag ni Elisse. 

Para naman kay McCoy ay hindi siya nakaramdam ng panghihinayang dahil naging mabuti sa kanya si Elisse noong mga panahong mayroon silang espesyal na ugnayan. “Hindi ako nanghihinayang kasi personally, alam ko naging better siyang tao, daughter,” nakangiting pahayag ni McCoy. 

Matatandaang pansamantala mang nabuwag ang tambalang McLisse noong isang taon at nagkanya-kanya munang mga proyekto ang dalawa. 

Ngayon lamang ulit nagkatambal sina Elisse at McCoy sa pelikulang Sakaling Maging Tayo na ipalalabas na sa mga sinehan sa January 16. Nahirapan ang dalawa sa shooting ng pelikula dahil away-bati sina Elisse at McCoy habang ginagawa ito.

AiAi balak magpahinga 

Ngayong taon ay nagpaplano na ang mag-asawang AiAi delas Alas at Gerald Sibayan na magkaroon ng anak. Gusto muna umanong magpahinga ng aktres sa trabaho upang makabuo sila ng pamilya ng asawa. 

Matatandaang unang nagpakasal sina AiAi at Gerald sa Amerika noong November, 2017 at December 12, 2017 naman naganap ang church wedding ng dalawa sa Pilipinas. “Hanggang 2020 mag-baby na talaga ako. ‘Yon talaga game na game na ako. Magkaroon man lang kami ng anak kahit isa,”pagtatapat ni AiAi. 

Limampu’t apat na taong gulang na ngayon ang Comedy Queen habang si Gerald naman ay dalawampu’t limang taong gulang pa lamang. Babae o lalaki kaya ang gustong maging anak ni AiAi kay Gerald? “Kahit anong ibigay ni Lord, game ako,” sagot ng aktres. 

Samantala, nakatakda ring ipagdiwang ni AiAi ang kanyang ika-tatlumpong taon sa show business ngayong taon kaya isang espesyal na concert na ang pinag­hahandaan ng aktres. “Ngayong 2019 baka ngayong taon i-celebrate ko ang 30th anniversary ko sa showbiz. Tutal talagang 30th ko ngayong year at i-celebrate ko talaga dahil bihira lang naman ang makarating ng 30 years di ba in the business, lalo ngayon,” nakangiting pahayag ni AiAi. Sa November nakaplanong gawin ang concert na siya ring birthday month ng aktres. 

ELISSE JOSON MCCOY DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with