Dingdong
Dingdong masaya kahit inokray sa pagsama kay Vice
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2019 - 12:00am

“Malapit na!” lang ang sagot sa amin ng manager ni Dingdong Dantes nang kinulit namin kung kailan na ang due ni Marian Rivera.

Hindi pa nila talaga alam kung ilang buwan na ang ipinagbubuntis ng Kapuso Primetime Queen, pero malapit na raw ito.

Thankful lang daw si Dingdong dahil pagkatapos ng box-office success ng Fantastica, at positibo rin ang feedback sa Cain at Abel,  maganda rin ang pasok ng 2019 sa kanya.

Hindi pa muna nila nai-share na may bagong endorsement si Dingdong na swak na swak sa kanya, dahil Dunkin Donuts, kaya DD on DD.

Last year pa raw nila kinunan ang TVC  nito kasama sina Derek Ramsay at Piolo Pascual.

Pitong taon na palang ini-endorse ni Derek ang naturang donut product at si Piolo naman ay three years na raw. Kaya masaya sila sa pagpasok ni Dingdong bilang bagong miyembro ng pamilya.

Samantala, may ilang fans na nagti-text sa amin sa radio program namin sa DZRH na hindi raw sila naaliw sa partisipasyon ni Dingdong sa Fantastica. Parang support lang daw kasi ito kay Vice Ganda.

Ipinarating naman namin ito sa PPL na siyang nagha-handle ng career ni Dingdong, pero sinasabi nilang sobrang saya ng Kapuso Primetime King na naging bahagi siya sa pelikulang ito.

Nabuo ang magandang friendship nila nina Vice Ganda at pati ang ibang co-stars gaya ni Ryan Bang at iba pa.

Sa simula pa lang ay aware naman daw sila na kay Vice raw talaga ang pelikulang yun.

At masaya silang maganda ang relasyon ni Dingdong sa Star Cinema. Kaya may mga susunod siyang gagawin. 

Napag-alamang mas marami pala ang may gusto sa tandem nina Dingdong at Angelica Panganiban. Ewan ko lang kung nagpa-survey ang Star Cinema, pero kahit naka-tatlong pelikula na sina Dingdong at Angelica, sila pa rin pala ang gusto nilang magsama sa isang movie project. 

Kambal na kandidata sa Ms. IntercontinenTal, dito lang nagkita!

Inaabangan talaga ang pagdating ng kambal na kandidata sa Ms. Intercontinenal 2018 na gaganapin sa bansa.

Sina Arjanita at Aravanita Peci na kung saan ni-represent ng una ang bansang Albania at sa Kosovo naman ang isa.

Isang buwan pa lamang daw sila nung pumutok ang giyera sa Kosovo kaya tumakas sila papuntang Germany at doon napahiwalay sila.

 Hindi lang naikuwento ang buong detalye kung paano sila nagkita, kaya inaabangan sila ng mga reporter para makapanayam.

Mas maliit lang daw itong si Arvanita kay Arjanita, pero identical talaga sila. 

Hindi pa sila dumating sa media presentation na ginanap sa Sofitel Philippines Plaza kamakalawa ng hapon kaya hindi pa sila nakita ng mga reporter.

Pero makakasama na sila sa ibang events ng Ms. Intercontinental gaya ng Swimsuit at Designer’s night na gagawin sa Grand Ballroom ng Okada Manila sa January 16, at kinabukasan naman, January 17 ang Evening Gown at Filipiniana Night doon pa rin sa Okada, at sa January 19 ang National Costume Competition na gaganapin naman sa The Garden ng Sofitel.

Sa January 26 ang coronation na gaganapin sa SM MOA Arena, at kinabukasan ng umaga bago mag-ASAP ay mapapanood ito sa ABS-CBN 2.

Hindi naman nagpahuli ang kandidata ng ating bansa na si Karen Gallman.

Nakuha niya ang dalawang special awards sa media presentation, ang H&H Standout Beauty at ang Media Favorite.

May 1,000 US dollars agad si Karen mula sa H&H Salon na official make-up artist nila.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with